[Mandy's POV] Tatlong linggo na ang nakalilipas simula ng ikasal si Dylan at hanggang ngayon ay nanatili parin akong malungkot, madalas wala akong ganang kumain at nakatitig lang sa kawalan. Naalala ko pa yung araw na iyon, mabuti na lang at may mga mabubuting tao na tumulong sa akin nuon, bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay nasalo nila ako at dinala sa ospital. Pero habang naiisip ko yun at kinukumpara kung gaano ako ka miserable ngayon, minsan hiniling ko na sana natuluyan na lang ako nung araw na iyon para hindi ko na nararamdaman yung sakit ngayon. "Ma'am delivery po. " Ang sabi ng aking secretary na nagpagising sa aking diwa. "Hmm! Mukhang napapanay na ang pagpapadala ng bulaklak ng secret admirer mo ha." Pasaring ni Gwen sa akin habang nagkandahaba ang leeg sa pagsi