"No!" Yes!" Bulalas namin pareho ni Pierce... Oh, God! Nakakunot ang noo ni Pierce habang ang mga mata ay nagtatanong. Hindi niya akalain na Yes ang isasagot ko. At mas lalong hindi ko aakalain na No ang isasagot niya. Dahil una sa lahat matagal na niyang gustong ipagtapat ang tungkol sa amin. Lalo na kanina. "Naglihim kayo??! Kailan pa ito?? Si kuya ang unang nakabawi sa pagkakagulat at tinanong kaming pareho ni Pierce. Ang daddy ko naman ay hawak hawak ang batok na inaalalayan naman ni mommy na nag-aalala para kay daddy. "Hailey, anong sinasabi mo??!" Tanong din sa akin ni mommy na halata pa rin ang pag aalala kay daddy. Ito ang kinakatakutan ko ang lumala ang kalusugan ng daddy. "Kuya, hindi na mahalaga iyon. Mom, dad.. please pabayaan niyo na po kami ni Pierce. Mahal ko po si