"Magkakababy na tayo!" Excited na sabi ni Pierce habang hinahalik halikan ang pisngi ko. "Hahaha! Yes, babe. We're having a baby!" "I love you!" Paulit-ulit niyan binabanggit habang pinupuno ng mga halik ang buong mukha ko. Kinabukasan ay maaga kaming pumunta sa OB-GYNE upang makasigurado. Matapos ang prenatal check up ay excited kong niyaya si Pierce na dumiretso kami sa church upang magpasalamat sa blessing na ibinigay sa amin. Makalipas ang dalawang araw ay umuwi kami ng Ilocos ni Pierce upang ipaalam ang tungkol sa magandang balita. Ang mga kapatid ni Pierce ay naroon din dahil araw ngayon ng Sabado. "OMG! Totoo ba ito?" Bulalas ni Patricia habang nakatingin sa pregnancy test. "Yes, ate." Nakangiting sagot ni Pierce. "Ay! Ang sayang balita nito. Congratulations Pierce and Haile