Chapter 9

1655 Words
Habang nagbibihis kami para pupunta sa praktis ay biglang may napansin ako sa kabilang kamay ni Pierce. Hindi ko kasi iyon napagtuunan ng pansin kanina. "What happened to your hand?" Tinanong ko siya at napatingin din siya sa kamay niya. "Oh.. ah wala ito." "Sigurado ka?" Tanong ko. Hindi pwedeng wala lang. Yung sugat halatang fresh lang. "Yes. Wala lang yan. May nasagi lang akong matigas na bagay. Nasagi o sinuntok? Tanong ko sa isip. Napataas ang kilay ko at napansin niya iyon. "Babe nama eh. Kakabati lang natin. Huwag mo ng pansinin to okay?" Lalong nagsalubong ang mga kilay ko na nakatingin sa kanya. "Okay! Okay! Sabihin na lang natin na nakipag away ako sa pader." Sabi niya sabay kamot sa batok. Sabi na eh! Hay! "Tss!" Inirapan ko siya sabay punta sa cabinet para kumuha ng first aid kit. "Akin na yang kamay mo." Lumapit naman siya at iniabot. Nilinis ko muna ang kamay niya bago ko nilagyan ng betadine at band aid. "Ayan. Okay na." "Thanks babe." "You're welcome." May praktis sila Pierce ngayon para sa contest ng battle of the bands. Hindi ko pa rin nasabi sa kanya na kasali din ako doon. Mamaya ko na lang sabhin. Inaya niya akong sumama sa kanya. Andoon din ang kuya ko pero nasabi na ni Pierce na manonood ako. Hindi ko alam kung ano pang dinahilan niya kay kuya at sa mga kaibigan nila. Pero sumang-ayon naman sila na manood ako. Ayoko sana sumama dahil mamaya lang din ay my pasok na ako sa klase. Pero nagpupumilit si Pierce para daw mapakinggan ko na siyang kumanta. Dahil sa pangako niya noong nakaaraan na pinapakanta ko siya pero tumanggi siya. "Let's go?" Tanong ni Pierce habang inilahad ang kamay niya upang hawakan ko. "Okay." Sabay abot sa kamay niya. At magkahawak kamay na kaming humaba ng parking lot Ilang mga minuto pa ang nakalipas at nakarating na kami sa bahay ng barkada nila. Bago kami bumaba ng sasakyan ay hinalikan muna ako ni Pierce sa mga labi. "Para saan yon?" Tanong ko ng matapos. "Wala lang. Basta kapag nasa loob na tayo. Your eyes on me lang ha?" Kindat pa niya. "Loko loko! Ayoko nga! Gusto mong magduda ang kuya ko?" Hindi ko na siya inantay na sumagot dahil lumabas na ako ng kotse. Nasa loob na kami ng bahay. Grabe ang laki!Ito ang music room or music studio nila. Na-amaze ako sa mga instruments na nandito. "Dude." Bati ni Pierce. Nasa likod lang niya ako nakasunod. "Woyyy bro kamusta? Nakauwi kaba kagabi ng maayos or kasama mo si Joana magdamag?" Malakas na bati ng isang kabanda nila. "Shut the f**k up Jordan. Hindi ko pa kayo napapatawad sa ginawa niyo." Sagot ni Pierce sabay hawak sa pulsuhan ko at pinaupo ako. Nagtawanan naman sila kuya. Palihim na umiling sa akin si Pierce at bumulong bago humarap sa kanila. "Hailey kamusta?" "Hi okay lang.. Hi kuya! Hi guys!" Bati ko sa lahat. Kahit affected ako sa narinig ko nagkibit balikat nalang ako at pinasigla ang boses ko. Ayokong masira ang araw ko na naman. "Hailey be our judge. Tell us if pasado ang performance namin today." Sabi nong Jordan. Tipid lang akong ngumiti sabay tango sa kanya. Maya maya ay lumapit ako kay kuya. Hindi rin alam ni kuya na nagbabanda ako. Nagstart ako noong fourth year high school. Si Austin ang nagpush sa akin na sumali sa mga paligsahan sa eskwelahan. Naging magkaklase din kami noong first year college. He was my ex-boyfriend. We didn't click. Hindi sa ayaw na ni Austin pero ako ang umayaw. Umaasa kasi ako sa pangako ni Pierce noon. Ilang beses ko ng sinubukan magboyfriend subalit nauuwi din sa breakups dahil ang puso ko isa lang ang hinahanap. "Pwede ko bang mahiram yan saglit?" Tanong ko kay kuya Nigel. Nasa tabi kasi niya ang gitara. "Etong base guitar? Marunong ka ba gumamit niyan?" "Susubukan ko." Samantalang si Pierce at ang ibang kasamahan nila ay nagkakantyawan parin tungkol sa pinuntahan nila kagabi. Nagsisimula nanaman akong mainis kaya kailangan ko ng pagkaabalahan. "Okay. Be careful baka mabagsak mo." Sagot ni kuya. "Okay." Sinuot ko muna ang headset ko para sabayan ko ang tugtog ng Another One Bites The Dust sa pagtitipa ng gitara at ayoko rin marinig ang pinaguusapan nila. Tanging si Pierce lang ang nakakaalam na kumakanta ako. Pero hindi pa rin naman naririnig ni Pierce ng tuloy tuloy ang pagkanta ko.. hanggang humming or first stanza lang. Hindi sa ayaw ko iparinig, nagkakataon kasi na hindi ako confident sa boses kapag nanonood siya nadidistract ako at hanggang tuluyan ng mamula. Ninanamnam ko ang saliw ng tugtog habang napapikit at patuloy na inuulit ang ibang chords. Hindi ko alam kung bakit pero iba kapag love mo ang music dahil para kang dinadala sa sarili mong mundo. Huminto ako at dumilat dahil may naisip akong idea. "Kuya!" Excited kong tawag pero laking gulat ko ang lapit lang pala niya sa akin na nakatulala. "Kuya?? May naiisip ako.." "Hailey, marunong ka pala niyan??!" Manghang tanong ni kuya na hindi pinansin ang sinabi ko. "Yon oh.. ayos Hailey. Galing!" Sabay thumbs up ni tisoy. Nakalimutan ko na ang pangalan kasi. "Hala! Ito lang din alam ko kasi paulit ulit lang naman." Napansin kong nag-smirk si Pierce kaya mabilis akong umiwas ng tingin at tumalikod sa kanila sabay harap ulit kay kuya. Alam kong hindi naniniwala si Pierce sa sinabi ko. "Kuya , try niyo ang medley semi-rock. Baka mas okay." "Hmmm... medyo okay din pero battle of the bands yun kaya mas kailangan higitan namin ang performance namin last year." "Ganoon ba? Okay." "So Hailey.. ready kana ba?" Tawag sa akin ni Pierce. "Sure!" "Boys.. Let's show Hailey what we've got!" "Alright!! Lezzgoww!!" Sagot ni kuya sabay pumunta sa drum. Ako naman ay nakangiting nakatingin sa kanila. Ilang segundo pa ang nakalipas at nagsimula na silang tumugtog. "Oh my!" Mangha kong sambit habang nakikinig at nanonood. Blaze of Glory ng Jon Bon Jovi Wow! ganyan ba ang hindi magaling kumanta? Napanganga ako ng hindi ko namamalayan. Pati ang taas ng tono kuhang kuha ni Pierce. Ang puso ko naman ay tumatambol sa halo-halong emosyon. "Wow!" Nakatitig lang si Pierce sa akin. Napadako ang tingin ko kay kuya at sa iba ang galing nila. Lalo akong namangha! May laban pa ba kami? Tama nga si Sophie may something sa kanila kaya nanalo sila. "Hailey.." "Hailey!" Saka ko lang namalayan na nakalapit na pala sa akin si kuya at si Pierce. "Okay ka lang ba?" Pag aalalang tanong ni Pierce. Napatingin ako kay kuya. "Young gun.." Wala sa loob kong banggit. Naguluhan si kuya at tawang tawa naman si tisoy at si Jordan. Pati si Pierce natawa din. "Bro., mukhang nashock si Hailey sa kanta." Ang sabi ni Jordan. "Oh! I'm sorry guys.. Wahaha! Ang epic! Sorry! I was beyond amazed. Wow! Kaya nga talagang kayo ang nanalo last year. You did the best rendition. Nakaka-amaze!" Bakas sa mukha nila ang kasiyahan. "So judge.. what can you say sa performance namin? Pasado na ba kami na manalo ulit?" Tanong ni Pierce. "Oo naman! 10 out of 10" Masayang sabi ko. Nagtawanan silang lahat. "Ayun oh. Nakakuha tayo ng 10 out of 10!" Sagot ni kuya Nigel habang nakangisi. Makalipas ang sampung minuto ay tumunog na ang alarm ng cellphone ko. "Guys, mauna na ako. Baka malate ako sa klase. Trapik pa naman pag ganitong oras." "Ihatid na kita sa school. Baka matagalan kang mag antay ng taxi." Sabi ni Pierce. "Sis pahatid ka na kay Pierce. Gusto sana kitang ihatid kaso may inaayos pa ako dito." "No, okay lang. Magpraktis na kayo. Baka may--" "Naku! Medyo looban kasi dito Hailey. Mas okay ihatid ka nalang kasi baka matagal ka makahanap ng taxi or masakyan. Gusto mo hatid na kita. May shortcuts naman kaya mabilis tayo makarating." Sabi ni Borg. Naalala ko na ang pangalan niya. Nahihiya akong kausapin siya kanina kasi nakalimutan ko ang name niya. "Ha? Ganon ba? Ah okay. Sig--" Hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Pierce. "Dude! Hindi yan sanay umangkas ng bagong kakilala. Nigel asan ang susi mo. Hihiramin ko ang motor mo para mabilis. Iwas traffic." "Nasa tabi ng cellphone bro." Sagot ni kuya. "Pahiram na lang ng extrang helmet para kay Hailey, Borg." Sabi ni Pierce "Okay. Teka kunin ko." Habang nasa biyahe na kami hindi ko mapigilang purihin siya. "Sobra akong na-amaze. Ang galing niyong lahat. Lalo ka na.. you sang it well! Alam mo bang kinilabutan ako habang pinapakinggan kita. Na-LSS pa rin ako." "Hahaha! Babe nasasabi mo yan kasi ngayon mo pa lang ako narinig kumanta. Kung marinig mo ang ibang banda. Sobrang gagaling din nila." "I doubt na mananalo sila. Anyway, yun ba ang sabi mo na nanalo kayo dahil lang sa piniling kanta? Eh kahit hindi yun ang kantang piliin mo, mananalo pa rin kayo. Ang galing niyo kaya!" Sabi ko kay Pierce. "Thanks babe. I'm happy na nagustuhan mo." Dumaan muna kami ulit sa paborito kong milktea store. Then hinatid na niya ako sa may entrance malapit. "Thanks Pierce." Ngiti kong sabay abot ng helmet sa kanya. "You're my wife babe. No need to thank me. I'm happy doing this." "Okay. Oh, may sasabihin pala ako maya pag uwi. Nakalimutan ko kanina. Masyadong occupied ang isip ko sa pakikinig kanina." "Ano yon? Hindi ba pwedeng ngayon?" "Sa bahay na lang." "Okay. Sige." "Bye." Kaway ko sa kanya at akmang papaalis pero hinawakan niya ang braso ko. "Babe. Kiss ko." Pinandilatan ko siya. "Pierce! Wala tayo sa bahay. Sige na. Ingat ka." Naglakad na papunta ng gate si Hailey. Subalit bago pa tuluyan paandarin ni Pierce ang motor ay lumingon ulit siya kay Hailey. Napakunot ang noo niya dahil nakita niyang kinuha ng lalaki ang bitbit ni Hailey na libro at masayang nag uusap ang dalawa habang naglalakad papasok. Napatiimbagang siya ng inakbayan ng lalaki si Hailey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD