Hailey POV "Jonah! Nasaan ka na?" Nagkukunwari akong hindi ko siya nakikita kahit halata naman ang maliit nitong katawan na nagtatago sa likod ng kurtina. "Teka! Nasaan na kaya iyon? Ang galing naman ng anak ko magtago. Mahihirapan ata ang mommy maghanap ah!" Pigil ang tawa ko ng marinig ko ang mahina nitong kagikgik. "Eh si Johan kaya??" Sabi ko ulit na lumalapit sa kama. Alam ko naman na nagtatago lang ito sa ilalim ng kumot katabi ng daddy niya. "Babe, nakita mo ba sila?" Kinindatan ko naman si Pierce. Natatawa naman itong itinuro si Johan na kita ang maliit na mga daliri. Hindi ko na rin mapigilan ang matawa. "May powers ata ang babies natin, babe. Ang hirap nilang hanapin. Hanapin mo nga si Jonah at ako naman ang hahanap kay Johan." Game naman si Pierce sa utos ko. At lihim
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books