Nasa banyo pa si Pierce naliligo habang ako naman ay natapos ng maligo.
Kasalukuyan naman akong nagbabasa ng mga mensahe sa GC namin dahil inuulan na ako ng mention ng mga kaklase ko.
Alwina: Dzaiiii @Hailey ano na???
Sophie: @Alwina, nung mron?
Alwina: Ay naku dzai antyin ntn ang psbog ni @Hailey.
Sophie: ? (confused emoji)
Erica: Psbog? oi nu yan? @Hailey
Sophie: @Hailey??
Brad: ang ingay nio dto
Sophie: @Brad, hoy Brando paki mo!
Alwina: @Hailey, auq nlng mgslita. Dalian mo na dzai.. Eggzited naq. I-splok mo na yan dzai
Brad: @Sophie, ndi Brando pnglan q! ? (angry emoji)
Erica: ayan nag aaway nnmn ang magjowa
Sophie: duh! Auq nga maging jowa yan! eeew..
Brad: Nsbi mo yn dhl d kta pnpncn. ? (smirk emoji)
Sophie: What??? feeling mo ah!!
Alwina: Hey tama na yan. Hahaha! Dq nid ng away nio. Nid q @Hailey ang chika mo! Dali na dzai!!! Grabe ka!
Erica: Teka d pa nman naseen ni @Hailey.
Alwina: Hay! bka bz pa kay fafa P!
Brad: Cno c P? @Alwina
Alwina: kya nga w8 ntn si @Hailey.
Brad: hmmm?
Marami pang mga messages na one hour ago lht. Napatingin ako sa oras ng cellphone ko. Eleven na pala kaya siguro tahimik na ang GC baka tulog na sila. Nagreply nalang ako ng tawa na emoji. Ayokong magreply ng iba pa at baka mahalatang nagsisinungaling ako.
Binasa ko naman ang GC namin ng kabanda ko sa BlackScented.
Lance: Dudes @Ton @Troy tara shots
Ton: Yown! Sakto dito aq ermats ko.
Lance: Arat na!
Ton: Papunta na.
Troy: Sori dude pass muna.
Ton: Ui bago yan pre ah.
Lance: Oo nga! Kelan kp nagpa-pass?
(Troy seenmode)
Ton: Tara na! Kita tayo knla Lance.
(Troy seenmode)
Lance: Pre @Troy ishot nntn yan. Tama na yn
Troy: Pass aq
Lance: Oi himala online ang muse ntn.
Lance: @Hailey, pnta ka. Bday ni pooch ngaun.
(Si Pooch ang kapatid na bunso ni Lance)
Ton: Tara na @Hailey. Daann kta sa boarding house mo.
Oh no! anu na naman ang idadahilan ko nito? Nakailang pass na aq sa kanila.
Me: (Typing.....)
Lance: Antyn q kau
Me: Ay sorry guys. Wla aq sa b.house nw.
Lance: Sa Bulacan kb?
Me: Wla rin. Dto aq sa kuya q.
Ton: Saan b yn? Daann kta
Me: @Ton wg na malayo dto. Nxtym nlng. Happy bday pla kay Pooch @Lance
Ton: Okay.
Me: Enjoy guys.
Lance: lgi kna lng pass @Hailey
Me: hahaha! sori na. Saka pulutan lng din nmn uubusin q. Lam nio nmn d aq umiinom.
Lance: Mrming pulutn dto. Tara na
Me: sori d tlga aq pde ngaun. C u sa Friday guys.
Nakapag ensayo na rin naman kami ng kakantahin sa Gig.
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Pierce nakaharap sa laptop din niya. Nasa sala kami. Nakabukas lang ang TV. Hindi na rin aq madalas nagpopost sa sss at IG hinahayaan ko nalang na itag ako ng mga kaibigan ko sa mga posts nila. Friend ko naman sa lahat ng social sites si Pierce pero never namin binago ang status namin doon na Single.
Minsan nagseselos ako sa mga kaibigan niyang babae pati sa mga kaklase nilang mga babae. Sa mga posts pa naman nila ay puro tuksuhan. Kaya mas madalas hindi ko na binabasa ang mga comment. Alam ko naman ang passwords ng mga social accounts ni Pierce. Hindi ko naman hinihingi kusa niyang binigay. Ngunit, hindi ko naisipan buksan ang account niya. Kontento na ako na friend kami sa sss at nakafollow sa isa't isa sa IG. Hindi siya nagpopost about sa school basta lahat ng may kinalaman sa school. Ang weird niya pero hinayaan ko nalang siya.
Napangiti ako ng mapansin ko ang wedding rin na suot ni Pierce. Hindi niya iyon tinatanggal eversince we got married. Ang wedding ring namin ay hindi halatang pang couple pero kung titingnan ang ilalim ay andun nakaukit ang pangalan namin dalawa.
Maya-Maya ay biglang picture ng kuya ko ang nag appear sa cellphone ko. Nakikipagvideo call.
"Si kuya.." Sabi ko. Napalingon naman sa'kin ang asawa ko. Nakakunot noo.
Umalis ako at tumungo ng kwarto bago ko sinagot.
"Kuya, oh bakit?"
Buti nalang at lampshade lang ang binuksan ko kaya hindi niya napapansin ang buong kwarto dahil medyo dim lang ang liwanag niya. Nasa may tabi ko pa naman ang picture frame namin ni Pierce noong kasal namin pero sinigurado kong hindi iyon kita sa camera.
"Need natin umuwe sa weekend. Si daddy nagtatampo na. Hindi daw tayo nakaisip dumalaw."
"Ha eh diba kagagaling mo lang doon noong nakaraan?"
"Oo, pero hinahanap ka bakit hindi daw kita sinama. Katatapos nga lang namin mag usap at kinukulit ako."
"Gabing gabi kausap mo si daddy?" Pagtataka kong tanong. Maaga kasi natutulog ang daddy namin. Si mommy pa nga ang madalas naiinis dahil tinutulugan siya lagi lalo na kapag nanonood sila ng movie.
"Bigla kasing nanaginip si daddy about sa atin kaya ayun napatawag. Nagising nga lang din ako eh."
"Ganoon ba? Oh sige. Anong oras ba tayo uuwi?"
"Isurprise natin. Dapat madaling araw aalis na tayo para pag gising nila andon na tayo. Dadaan tayo sa seafoods pasalubong natin."
Napaisip ako. Madaling araw? Kailangan nasa boarding house ako matulog ng Biyernes.
"Ano na sis?"
"Ha? Ah oo sige. Dala ka ng extrang helmet. Bibili na rin ako ng cake."
"Cake? May pera ka pa ba?"
"Malapit na anniversary nila mommy kaya pwede natin icelebrate. Atsaka may pera naman ako."
Nag open si Pierce ng panibagong bank account under my name. Nagtatransfer siya ng funds para daw yon sa akin at kapag may kailangan sa bahay.
Hindi ko naman ginagamit ang pera dahil may sariling pera naman ako na naiipon mula sa gig namin. Minsan si kuya Nitro nagpapadala din ng allowance ko.
"Oo may extrang helmet dito. Sige ikaw ang bahala. Matutulog na rin ako. Kinukulit ako na tawagan ka ngayon."
"Okay. Goodnight."
"Goodnight."
Bumalik ako sa sala. Si Pierce naman ay busy pa rin na nagpipindot sa laptop.
"Bakit tumawag si Nigel?" Tanong niya habang nagtatype.
"Uwi daw kami ng weekend sa Bulacan. Pinapauwi muna kami ni daddy."
Tumingin siya. "Uuwi ka?"
Tumango ako. "Oo. Namimiss ko narin sila daddy at mommy. Gusto mo sama ka?"
"hmmmm..." Nag iisip si Pierce.
"I wanted to but I can't babe. Uuwi din ako saglit sa Ilocos. May konteng problema lang sa business. Kailangan kong tingnan."
"Ha? Anong nangyari?"
Kaya naman pala nakakunot ang noo nito.
"Parang substandard ang pagkagawa sa warehouse. Kailangan kong tingnan."
"Okay.. Sana walang gaanong problema."
"Sana nga at kapag nagkataon ay panibagong gastos nanaman."
"Hey, if there's anything I can help.." Sabi ko sa kanya.
Hinalikan niya ako sa noo bago nagsalita.
"Don't worry about it babe. Okay?"
Napangiti narin ako dahil sa nakakahawa ang ngiti niya.
Kilala ang family ni Pierce sa nayon nila. Ang daddy niya ay doon na nakapag patayo ng business at nagretire na kalaunan. Ang mommy naman niya ay sa government nagtatrabaho. Si Pierce ang ikalawa sa panganay. At dahil paboritong apo siya ng namayapang lolo niya sa father side kaya binigyan siya ng pamanang business na simula nineteen years old siya ay pinapatakbo na niya. Si Pierce ay may dugong Amerikano. Namana niya ang height sa Lolo niya na isang Half American. Lahi din ata nila ang pagiging gwapo at maganda. Ang mga kapatid niya ay mga gwapo at maganda din.
"Matutulog na ako." Paalam ko sa kaniya habang humihikab.
"Okay. May tatapusin lang ako." Sagot niya habang nakatutok sa laptop. Alam kong pinag aaralan niya ang reports na sinend sa kanya ng pinsan niya.
"Okay. Good night." Hinalikan ko siya sa pisngi bago tumayo.
"Good night babe. I love you."
"Mmmn." Tugon ko na lamang na wala sa isip habang papasok sa kwarto.
Papahiga na ako ng maramdaman kong nasa likod ko siya.
"Oh my.. nakakagulat ka naman."
"I love you." Sabi niya sabay hapit sa baywang ko. Lumawak ang ngiti ko.
Oo nga pala hindi ko siya nasagot kanina.
"I love you too." Nakangiti kong yakap sa leeg niya.
Isang halik sa labi ang ibinigay ni Pierce bago siya bumalik sa sala.