Nakakabasag na katahimikan ang bumabalot sa loob ng bahay nina June habang ang lahat ay nakaupo sa sofa, nakaharap sa bawat isa. Sina Pinky, June, Nitro at Yen ay nasa kabilang upuan at sa kabilang sofa naman nakaupo ay sina Hailey at Pierce na magkahawak kamay, si Nigel, at ang mga magulang ni Clyde na sina Rebeka at Christopher. Si Aki naman ay nasa loob ng kwarto niya. Magkasunod lang ang flight nila Rebeka at Christopher. Nauna lang ng dalawang oras ang flight nina Hailey at Pierce na dumating. Ilang sandali pa ang lumipas bago nagsalita si Christopher. "Kung anuman ang kasunduan natin noon, June. Narito kami upang ipawalang bisa iyon." seryosong saad ni Christopher at sinegundahan naman ng asawa nitong si Rebeka ang sinabi niya. Galit din sila sa nangyari ngunit wala silang magawa