Alam mo yung pakiramdam na parang nahulog ka sa isang malalim na bangin ngunit hindi mo alam kung paano ka makakaakyat? Pakiramdam mo masaya ang buhay mo sa feeling ng taong mahal mo noon ngunit sa isang iglap ay nahulog ka sa bangin na iyon na wala kang magawa kundi ang tuluyang mapalayo sa mahal mo? At may mga taong sinamantala ang kahinaan mo at inisagawa ang pansarili nilang plano? Iyon bang ninakaw nila ang tunay mong kaligayahan at pinalitan iyon ng mga kasinungalingan? Pakiramdam ko para akong mahuhulog ulit sa bangin na iyon dahil sa mga nalaman ko pa mula kay kuya at sa mga ginawa nila upang tuluyan akong malayo kay Pierce. Ngunit hindi ko hahahayaan na maulit nanaman ang mga nangyari noon. Isang masakit na katotohanan na kailangan kong harapin kahit pa ang makakaharap ko ay an