Chapter 23

1079 Words

"You're a loquacious and very annoying woman," sabi ni Ethan sa napakaseryosong tono. "Teka, Ethan, nasa labas pa ang mga kaibigan mo. Mag-aanuhan ba tayo?" tanong ko. Parang nakakahiya naman kapag nasa labas pa ang mga kaibigan niya tapos nandito kami sa kuwarto na may gagawin. Bumuntong hininga siya. "I'll be back," aniya. Tumalikod siya at agad lumabas. Ako naman ay naupo sa gilid ng kama. Nakaramdam ako ng kaba. May kasama ding takot lalo na dahil masakit iyong ginawa niyang pag-ano sa akin noong una. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumukas ulit ang pintuan. Pumasok si Ethan, seryoso siya at walang kurap siyang nakatingin sa akin habang ni-la-lock niya ang pinto. "Nandiyan pa ba sina Craig at Marko?" tanong ko. "Pinalayas ko na," sagot niya. Naglakad na siya palapit sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD