Panay ang pagtulo ng aking luha habang pinupulot ko ang celphone ko na nadurog ng hablutin ako ni Ethan sa aking braso. Napatayo ako sa lakas ng paghablot at pagkakahawak sa akin. "Who the hell are you talking to?" tanong niya. Naamoy ko ang alak sa kaniyang hininga. "Ano bang problema mo? Kausap ko lang si Mae," sagot ko habang pilit binabawi ang braso ko na madiin niyang hawak. "Bakit huh? Naghahanap ka ng costumer?" Bintang niya. Napakadumi talaga ng utak ng lalake na ito. Magugulat ka na lang talaga kapag nalaman mong virgin pa ako. May bayaran bang virgin? "Oo," sagot ko at matapang siyang tinignan. Mas lalo siyang nagalit sa naging sagot ko. Hinila niya ako, nakaramdam ako ng kaba ng makita ko na ang kuwarto niya ang tungo namin. Hindi ito puwede, hindi ako prepared. G