Excited kong ginamit ang bagong celphone, may kasama siyang bagong simcard at load card kaya naman naitext ko na si nanay at Mae pero wala pang mga reply. Mabuti na lang talaga at ugali kong maglista ng mga numero sa notebook. Hindi ko na din nakita ang durog kong celphone. Baka tinapon na ni Ethan. Di bale, makakapag-log in naman ako sa f*******: ko at sabihan ko ang mg kaibigan at kamag-anak ko na may bago na akong gamit na numero. Tinatamad na akong itext lahat ng nakalista dahil nagdadownload ako ng games. Mukhang matatagalan pa bago ako isama ni Ethan sa opisina niya. Tamang tama na may libangan din ako. Speaking of Ethan, hindi ko pa pala natatanong kung ano ba ang trabaho niya. Inabot ako ng dalawang oras sa pagkalikot sa celphone ko. Kung hindi ko pa naramdaman ang pagk