IILAN NA lamang ang sasakyan sa parking kaya naman hindi na kinailangan pa ni Eros na pindutin ang button ng alarm sa susi na hawak upang tumunog ang sasakyan at kanila itong makita. Tanda niya rin kasi kung saan siya madalas pumarada, iisa lamang ang puwesto dahil naka-reserve na ito para sa kaniya. “Are you hungry? Gusto mo bang mag-dinner muna tayo sa labas bago umuwi?” Nanatiling hawak-hawak niya ang palad ni Mauve habang sila ay naglalakad. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “Medyo nagugutom na nga ‘ko, ang haba rin pala ng naitulog ko.” Mahina itong tumawa at kaagad nakita ang sasakyan niya. “Gusto ko rin humigop ng mainit na sabaw—” naputol si Mauve sa sinasabi nang makarinig sila ng isang malakas na ingay na animo ay mayroong ibinatong metal kung saan. Nahinto sila sa paglalakad at napalingon s