KUMIKINANG si Mauve sa mga mata ni Eros habang suot niya ang kaniyang evening gown. Simple lamang iyon ngunit elegante. Kulay tubig ito at saktong-sakto lamang sa kaniya. Bumagay pa ito sa maputing kulay ng balat at maging ang kaniyang makeup at hair style ay ibinagay rin ng kaniyang artist. Perpekto ang lahat sa kaniya, maging ang kaniyang magiging kapareha ngayong gabi. si Eros. Napakaguwapo nito sa suot na pormal na damit. Kulay abo iyon. Hindi niya maiwasang silayan ang lalaki habang abala sa pakikipag-usap sa telepono. Napapangiti siya at napapaisip. Napakasuwerte niya naman. Napakaguwapo ng kaniyang asawa at napakamaalalahanin pa. Kanina pa ito tanong nang tanong kung ayos lamang ba siya sa suot niya, at kung hindi naman daw ba naiipit ang tiyan niyang may kaunti nang umbok. ㅤ ㅤㅤ ㅤ