PAKIRAMDAM ni Eros ay nararamdaman niya rin ang mga nararamdaman ng asawa habang nagla-labor ito. Halos hindi rin siya mapakali sa tuwing dumadaing si Mauve nang masakit at hindi nito malaman kung anong gagawin upang maibsan ang pananakit. Ginawa ni Eros ang lahat upang suportahan ang asawa dahil wala naman siyang maitutulong upang kunin ang sakit na nararamdaman nito. What he can only give her was his full support. “I love you, kakayanin ninyo ni Baby ‘yan. Wala sanang complications o kung ano pa man nang pareho kayong ligtas at maayos.” Pinunasan niya ang mga namumuo nitong pawis gamit ang kaniyang palad. “Ang sakit...” Maluha-luha na ang babae. Matinding contraction ang nararamdaman nito. “Oh, God!” She’s crying in so much pain. Datapwat halos hindi makayanin ni Mauve ang nararamdaman