NAGAWANG ibuhos ni Sitti ang lahat ng sama ng loob sa mga platong binasag, halos mamalat ang kaniyang lalamunan sa ginawang pagsigaw at nang hindi na kaya ang sakit ay naupo siya sa sahig. Niyakap ang mga tuhod at humagulgol ng iyak. Maigi na lamang at lubhang maalalahanin at supportive ang kaniyang tiyahin kaya naman kaagad itong lumapit at siya ay niyakap nang mahigpit. “It’s okay, Hija. You will forget the pain soon. Just always remember na narito lang kami ng daddy mo sa tabi mo palagi. Te amo.” ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Alam niya naman iyon kaya labis siyang nagpapasalamat. She appreciates all their efforts para matulungan siya. Siya lamang itong hindi magawang tulungan ang sarili. Napakabigat ng kaniyang loob at bahagya itong gumaan sa mga ginawa. Thanks to Aunty Miranda. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤ