ALA SINGKO ng umaga ay bumangon si Eros sa kanilang higaan. Humalik siya sa noo ng asawang nahihimbing bago tuluyang magtungo sa paliguan. Maaga siyang babyahe patungo sa Baguio para sa isang mahalagang deal na kailangan niyang isara. Nais niyang makauwi agad nang maaga nang sa ganoon ay makasama pa ang asawa sa araw ng day off nito. Gustuhin man niyang magpahinga na lamang din ngayong araw kasama ito ay hindi niya magawa dahil matagal nang nakaplano ang araw na ito. Kaya naman naisip niyang maaga na lamang mag-asikaso, nang maaga ring matapos at makauwi kaagad. Malayo-layo pa naman ang kaniyang ibabyahe. Pagbukas niya ng pintuan ng bathroom pagkatapos maligo ay naabutan niya si Mauve na nakatayo roon. “Good morning,” nakangiti niyang bati rito. Ang babae ay ngumiti at lumapit sa kaniy