Chapter 25 "Tooth brush ba talaga to?" Kanina pa sila natapos kumain ng beef broccoli. Nasarap ito at naparami ang kain. Nakapag shower na rin siya at sipilyo. Pagkatapos niyang mag-freshen up ay si Noah naman ang nais magsipilyo kaya't nanghingi ito sakanya ng bagong sipilyo mabuti at marami siyang extra sa cabinet niya. Ngunit kunot nuong tinitigan nito ang mumurahing tooth brush na iyon. "Opo ano sa tingin mo Ser? Pwede rin ho pang linis ng kuko" Biro niya habang pinupunasan niya ng tuwalya ang kanyang basang buhok. Hindi naman niya ugaling mag shower sa gabi dahil tinatamad siyang maligo ng dalawang beses. Ngunit siyempre narito matutulog si Noah kaya't ayaw niyang mag-amoy beef broccoli sa pang amoy nito Mas okay na yung amoy shampoo siya kaysa naman amoy bawang. Nakakunot ang