Chapter 33 "N-Noah" Napalingon si Noah sakanya habang karga karga nito ang anak ni Amanda at pinapatulog nito iyon na nakahilig ang ulo sa balikat nito. Inabangan niya talagang mapag-isa si Noah ng gabing iyon Nang makita niyang nagpunta ito sa likurang bahagi ng bahay ni Amanda ay sinundan niya ito Iyon na ang pagkakataon niya upang makausap ang binata. Saglit lang siyang humugot ng lakas ng loob para lapitan ito. Mukhang hindi nito inaasahan na susundan niya ito. Tumingin lang ito sakanya. Napakagwapo nito habang karga nito ang bata. Bagay na bagay na talaga dito maging daddy habang pinagmamasdan niya ito "K-Kamusta?" Nais niyang kutusan ang kanyang sarili dahil iyon lang ang nasabi niya sa dami ng tanong na nasa isipan niya Na-block out kasi ang kanyang isip ng tumingin ito saka