Chapter 18 "Tell me something about yourself Ms.Flores" Kung nakakamatay lang ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso ay baka bumulagta na si Yaya sa kanyang kinauupuan sa mga oras na iyon Hindi niya kasi akalain na sa dami ng tao sa mundo ay si Noah pa talaga ang taong makakaharap niya ngayon at ito ang nagmamay-ari ng kumpanyang nais niyang pagtrabahuhan Humugot siya ng isang mahaba at malalim na paghinga bago sagutin ang tanong nito. "I-Im Yaya Flores.. Um.. Um.." Pinalo niya ng pasimple ang kanyang mga hita upang tumigil iyon sa panginginig Pinipigilan niya sa panginginig ang kanyang mga binti habang nakaupo siya sa isang malambot na upuan kaharap ang kulay itim at malaking center table ni Noah. Muli niyang pinalo ang kanyang hita, Dahil nangangatog iyon sa sobrang kaba. Wala t