Chapter 10 "A-Ah Ser. Bakit hawak niyo parin ang kamay ko?" Namula ng husto ang pisngi ni Noah dahil sa kanyang sinabi. Kanina pa kasi sila nasa biyahe ngunit hawak parin ni Noah ang kanyang kamay habang nagmamaneho ito. Papisil pisil pa ito paminsan minsan Tila doon palang ni Noah napansin ang paglalambing nito sakanya at ang pagkakahawak nito sa kanyang malambot na kamay "O-Oh sorry nasanay ako eh" Tinangal agad ni Noah ang pagkakahawak sa kanyang kamay Sa totoo lang nasanay rin siyang makaholding hands sila dahil halos buong araw nitong hinawakan ang kanyang kamay! Ramdam parin niya ang kamay ni Noah kahit hindi na sila magkahawak kamay ngayon. Tahimik lang itong nagmamaneho "Napagod ka ba love? I mean yaya" Maya maya tanong ni Noah sakanya ng makarating na sila sa parking lot