Chapter 27 Napahinto si Yaya sa tapat ng pinto ng pribadong opisina ni Noah. Sa top floor building ng Haon Corporation. Narinig niya kasi ang tinig ng isang babaeng umiiyak. Tila pamilyar sakanya ang boses ng babaeng iyon. "Noah.." Hagulgol ni Amanda Napalunok si Yaya at nawala agad ang magandang ngiti sa kanyang labi. Maganda pa naman ang kanyang gising ng umagang iyon dahil simula ng may mangyari sakanila ni Noah noong isang gabi ay buong araw siyang binantayan nito kahapon sa hospital. Hindi siya agad makapaglakad ng maayos kaya todo alaga ang binata sakanya. Wala ng paglagyan ang saya sa kanyang puso. Panay ang paglalambing ni Noah sakanya sa hospital at kina-iingitan pa nga siya ng mga babaeng nurse doon. At kagabi hinatid siya nito sa kanyang apartment balak pa nga nitong makitu