Pilipinas
~Enero 28, 1917~
“Adam?”
"Adam, wake up," saad ni Manuelito habang niyuyogyog ang kaniyang kaibigan na kasalukuyan ngang tulog.
"Nandito na tayo sa Pilipinas kaibigan," sambit ni Manuelito habang hinahanda na ang kanilang mga gamit ni Adam. At agaran din naman ngang napatayo si Adam nang sabihin yaon ni Manuelito.
"Really?"
Hindi makapaniwalang paniniguro ni Adam na sumilip agad sa bintana ng kanilang kwarto. Dahilan upang makita niya ang mga tao na sinasalubong ang kanilang kapamilya na bumaba mula sa barkong sinasakyan nila ni Manuelito.
Napangiti si Adam sa kaniyang mga nakita dahil naramdaman na nga niya agad ang isa sa mga kultura ng Pilipino na laging binabanggit ni Manuelito sa kaniya. Na talagang pinapahalagahan ng mga Pilipino ang kani-kanilang pamilya.
"Adam, let us go! My family are waiting for us outside," yaya ni Manuelito at tiyaka nga agaran nang iniabot ang bagahe ni Adam.
Pagkababa at pagkababa pa lamang ng dalawang magkaibigan ay sinalubong na sila agad ng pamilya Valenzuela na sabik na sabik na muling masilayan ang kanilang nag-iisang anak na si Manuelito.
"Ama, Ina," naliligalig na bungad ni Manuelito at tiyaka nga sabik na sabik na niyakap ng mahigpit ang kaniyang mga magulang.
"Ito na ba si Adam na iyong matalik na kaibigan Manuelito?" tanong ni Doña Marites, na ina ni Manuelito na siya ngang unang kumawala sa pagkakayakap at na siya ring unang nakapansin sa isang matangkad at kano na nasa likod ng kaniyang anak.
"Oo ina siya nga. Adam, they are my parents. Ama, ina, siya si Doktor Adam Kley ang aking matalik na kaibigan," pagpapakilala ni Manuelito kay Adam na dahilan upang agaran din naman ngang mapangiti ang mga magulan nito.
"Naipabatid nga sa amin ni Manuelito na may amerikano siyang kaibigan,” saad ng ama ni Manuelito na si Don Manuel. “At ikinagagalak ko na ikaw ay maidala ng aking anak dito sa aming bansa Ginoong Adam."
"Ikinagagalak ko po na makilala kayo Don Manuel at Doña Marites."
At laking gulat nga ng mga magulang ni Manuelito nang gamitin ni Adam ang kanilang wika.
"Nakakatuwa naman at alam mo palang magsalita ng aming wika ngunit pansin kong di ka pa sanay gamitin ito. Pero huwag kang mag-alala dahil siguradong masasanay ka rin kung mananatili ka sa aming bansa ng ilang buwan," saad ng ina ni Manuelito na tuwang-tuwa nga ngayon kay Adam sa paggamit nito ng wikang Filipino.
“Kung gayon po ay masaya po akong manatili rito nang mapalawak ko pa ang aking kaalaman sa kultura ng aking kaibigan na si Manuelito,” natutuwa ngang sagot ni Adam.
"Oh, siya tara na at baka malipasan pa tayo ng oras dito. Sa mansyon nalang kayo magkwentuhan Marites," yaya naman ng ama ni Manuelito na siyang tinanguan naman nga ng tatlo.
_________________________
"Adam, ayos lang ba sa'yo ang kwarto na ito?" tanong ni Manuelito sa kaniyang kaibigan nang makarating na nga sila sa mansyon ng mga Valenzuela.
"Yes, I'm fine with it," sagot ni Adam na inilibot nga ang paningin sa buong kwarto kung saan siya mamamalagi ng ilang buwan.
"Are you sure? Or do you want me to ask Manang Tanya to rearrange your room?" tanong nga muli ni Manuelito sapagkat nag-aalala siya kung ayos lang ba talaga kay Adam ang kwarto.
"No, it is fine Manuelito," sagot nga ni Adam at natutuwa pa nga ito dahil sa pag-aalala ng kaniyang kaibigan. At sa pangalawang pagkakataon ngay nakumbinsi na nga ni Adam na ayos lang sa kaniya ang kwarto.
"If you need anything just ask Manang Tanya okay?" paniniguro nga ni Mauelito na nagpaalam na nga nang tuluyan sa kaniyang kaibigan.
At inilapag na nga ni Adam ang kaniyang mga gamit sa kama at makaraan lamang ang ilang minuto ay nagpasya na nga itong ayusin ang kaniyang mga kagamitan.
Matapos ayusin ni Adam ang kaniyang mga gamit ay naisipan niyang lumabas muna ng bahay nila Manuelito at pumunta sa hacienda ng Valenzuela na nadaanan nila kanina.
"Oh, iho saan ka pupunta?" tanong ng ina ni Manuelito kay Adam na nahuli nga niyang palabas ng mansyon ng mga Valenzuela.
"N—nais ko po sanang mamasyal sa inyong hacienda, dahil sa Amerika ay wala pong masyadong ganito na mapapasyalan kaya lubos ko pong hangad na makapasyal sa inyong napaka-gandang hacienda," sagot ni Adam na siyang napakamot nga ngayon sa kaniyang ulo dahil sa patigil-tigil niyang pagsasalita.
"Aba't nasaan si Manuelito para may kasama kang mamasyal kasi baka mamaya niyan ay maligaw ka pa," saad nga ni Doña Marites.
"A—ayos lang po Doña Marites," sagot ni Adam na nahihiya pa sa pakikipag-usap sa Doña.
"Anong ayos ka diyan? Panauhin ka namin dito kaya dapat lang na itrato ka namin ng tama ano. Manang Tanya, asan ba si Manuelito?" tanong ng Doña sa kanilang kasambahay na kasalukuyan ngang nagpupunas ng mga kagamitan sa salang kinaroroonan nilang dalawa.
"Sinamahan po ni Señor ang kaniyang ama papunta sa kalapit na bayan para raw po sa nilalakad na papeles ni Don Manuel," sagot ni Manang Tanya dahilan upang mapakamot ng leeg ang Doña.
"Ayos lang ho talaga na ako nalang po mag-isa," singit muli ni Adam.
Pero bago pa man nga siya sagutin muli ng Doña ay naputol nga ang usapan nila nang bigla na lamang may tumigil na kalesa sa harap ng tahanan ng mga Valenzuela.
"Doña Marites, nandito po si Señora Luisa at hinahanap po ang Señor Manuelito," singit ng isang kasambahay na siyang pumukaw nga sa atensyon ng dalawa.
Pumasok nga ngayon ang isang dalagang si Luisa Zamora na anak ng isang kilalang angkan ng mayayaman sa Maynila.
Plano niya sanang kamustahin ang kaniyang dating nobyo na si Manuelito ngunit mukhang hindi nga nito magagawa ang kaniyang pakay.
"Magandang Umaga po Doña Marites," bungad ni Luisa na dala ang napakatamis na ngiti na siyang pumukaw sa atensyon ni Adam. Hinagkan nga ng dalaga ang Doña na siya ring tuwang-tuwa na makita muli ito.
Hindi na rin kasi iba sa kanila si Luisa sapagkat parang naging anak-anakan na ng pamilya Valenzuela ang dalagang Zamora dahil sa kanila iniwan noon si Luisa noong ito ay maliit pa lamang. Magkasing-edad sila ni Manuelito na siyang nakasama niya mula pagkabata at hanggang sa naging mga dalaga at binata na nga sila at nagpalagayan ng loob. Ngunit dahil nga kinailangan ni Manuelito na mag-aral sa Amerika ay pinili nga ng binata na tapusin na nga muna ang relasyon nila ni Luisa.
"Sayang at hindi mo naabutan si Manuelito iha, sapagkat sinamahan niya ang kaniyang ama patungo sa kabilang bayan," sagot nga ng Doña sa dalaga dahilan upang manghinayang ito. “Ngunit tamang-tama pa rin at nandito ka dahil nangangailangan ako ng sasama dito kay Adam para ipasyal sana siya rito sa hacienda. Ayos lang ba sa iyo na samahan siya Luisa iha?”
Hiling nga ng Doña Marites kay Luisa dahilan upang matigilan ito.
"O—oo naman po, ayos lang naman po sa akin," sagot ni Luisa na ibinaling nga ang tingin sa binatang kasama ngayon ng Doña na mukhang hindi nga tagarito at isang banyagang Amerikano ito dahil namumuntawi sa lalaki ang napaka-puting balat nito at ang kulay asul niyang mga mata at ang olandes (blonde) nitong buhok. At kapansin-pansin din maging ang tangkad nito na halos tatlong dangkal ang layo ng kaniyang tangkad kay Doña Marites.
“Kung gayon Adam ay mabuti pa at samahan ka nalang nitong si Luisa sa pamamasyal sa aming hacienda,” saad nga ng Doña na dahilan para mapatango ang binata at ibinaling na nga muli ang tingin sa dalagang nasa harap niya ngayon.
_________________________
Habang nasa kalesa ang dalawa at patungo sa hacienda ay napag-isipan nga ni Luisa na basagin ang katahimikan na namamayani sa kanilang dalawa ni Adam.
"Adam ang iyong ngalan tama ba?" tanong nga ni Luisa na agad na pumukaw sa atensyon ni Adam. “Hindi ko alam kung nakakaintindi ka ng aming wika ngunit nais ko sanang ipakilala ng maayos ang aking sarili.”
"Ako si Maria Luisa Zamora ngunit maaari mo na lamang akong tawaging Luisa," nakangiting pagpapakilala ni Luisa sabay abot ng kaniyang kanang kamay kay Adam upang makipagkamayan.
"Oo, ako nga si Adam. Ako si Adam Kley at galing ako sa Amerika at ikinagagalak kitang makilala Maria," sagot ni Adam na pinaunlakan nga ang pakikipagkamay ni Luisa.
At halos hindi nga mapigilang mapangiti ni Luisa ngayon dahil sa kakaibang pagbigkas ng binata sa kanilang wika. At hindi rin naman nga namalayan ni Adam na maski siya ay napangiti na rin dahil sa matatamis na ngiti ng dalaga.
"Señora Luisa, Ginoong Adam, narito na po tayo," putol ng kutsero sa usapan ng dalawa.
Hindi namalayan ng dalawa na tumigil na pala ang kalesa kaya't sabay silang napabitaw ngayon sa pagkakahawak na hindi nila natanggal agad kanina.
_________________________
"Ang hacienda ng mga Valenzuela ay isa sa pinaka-malawak na hacienda dito sa bayan ng San Nicolas," pagpapaliwanag ni Luisa kay Adam habang sila'y naglalakad ngayon sa daanan na napapalibutan nga ng mga tubo sa gilid na siyang pangunahing produkto ng pamilya Valenzuela.
Ngunit biglang napatigil ang dalawa dahil nasa pinaka-dulo na pala ng hacienda sila ngayon at ang dulo nito ay kakakitaan ng isang ilog na napaka-linis at napapalibutan ng mga iba’t ibang magagandang bulaklak sa tawirang parte nito na siyang dahilan nga para unti-unting mapangiti lalo si Adam.
"It is so beautiful," saad ni Adam habang namamangha nga ngayon sa kagandahan ng ilog.
"A—ano?" tanong naman ng dalaga dahil sa hindi maintindihan ang sinasabi ng binata.
"Ang sabi ko, sobrang ganda," sagot ni Adam na hindi na namalayan na nakatitig na pala sa mga mapupungay na mata ni Luisa.
"I—iyan ang ilog Rio Grande," saad ng dalaga na nauutal na dahil sa muli na namang nararamdaman ngayon ang biglaang pagbilis ng kaniyang puso dahil nga sa pagtitig sa kaniya ng binata.
"Señora Luisa, Ginoong Adam, narito po si Señor Manuelito upang sunduin kayo."
Pilipinas
~ Septyembre 10, 1943~
"Tobias, lagi lang kaming narito ni Jonas," saad ni Manang Selma habang pababa na sila ng barko sa kadahilanang ngayon ay tila baga nagdadalawang isip pa rin si Tobias kung bababa siya ng barko. Tila ba may pwersang humihila sa kaniya pabalik sa loob ng barko. At bakas nga rin ang pamumutla ng kaniyang buong mukha nang mapagtanto na halos ilang taon na rin nga siyang hindi nakakatapak sa lupa ng bansang pinanggalingan ng kaniyang ina o ang bansang pinangyarihan ng lahat ng bangungot na gumugulo sa kaniyang isipan
"Kuya Tobias?" tawag ngayon ni Jonas sa kaniyang kapatid na siyang nilingon nga ito habang hawak-hawak at inaalalayan niya si Manang Selma.
Hindi alam ni Tobias kung tama ba ang pasya nilang bumalik sa Pilipinas dahil para sa kaniya delikado itong gagawin nila lalo pa't alam niyang may pagmamay-aring ospital ang Willson Research Institute dito sa Pilipinas.
"Ang nirehestro kong mga pangalan natin ay ang pangalawang pangalan natin at ang apelyedong gagamitin natin ay Gomez," saad ni Tobias sa kaniyang kapatid nang tuluyan na nga itong nakababa sa barko.
Ang pagbabago nila ng kanilang mga pangalan ay nagsisilbing isa na namang simbolo ng bagong buhay o bagong simula.
________________________
“Tobias, huwag kang mag-alala dahil sigurado akong kung tama nga ang hinala mong ang mga tauhan ni Doktor Willson ang dumukot sa kapatid mo ay maaaring makita natin siya rito sa Pilipinas,” saad ni Manang Selma kay Tobias na siyang tulala ngayong nakadungaw sa katabi nitong bintana habang nakasakay na silang tatlo sa isang Tranvia (Streetcar system that served Manila and its surrounding cities during the early years of the 20th century) patungo sa probinsya ng Nueva Ecija kung saan isinilang at lumaki si Manang Selma. Sanay na ang matanda sa mga ganitong sitwasyon sapagkat hindi pa lamang naipapanganak sila Tobias ay kasa kasama na siya ng pamilya Kley sa bawat paglalakbay. Noong hindi pa lamang nga naipapanganak ang mga magkakapatid na Kley ay naging tagapagsilbi na nila si Manang Selma na siyang maging sa paglalakbay ng mag-asawang Kley ay kasama nila siya.
“M—manang paano kung mali pala tayo sa ating hinala?” tanong ni Tobias na ngayon ay unti-unti ngang ibinaling ang tingin sa matanda na ngayon ngay hinahaplos ang mga buhok ni Jonas na tumutusok sa kaniyang mga mata. Payapa ngayong natutulog si Jonas sa hita ng matanda dahil na rin sa katagalan ng kanilang byahe.
“P—paano po kung hindi pala dinukot si Pineal at naroon po pala siya sa Indonesia?” sunod na tanong ni Tobias na ngayon ngay hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan. Dahilan para agaran ngang hawakan ng matanda ang kamay nito upang pakalmahin.
“Tobias anak, hindi ba halos isang taon mo na siyang hinahanap sa buong Indonesia?” tanong nga ngayon ng matanda dahilan upang matigilan si Tobias. “Tobias, alam kong kaya ka pumayag na pumunta rito sa Pilipinas ay dahil sa pagnanais mong dito mo mahanap si Pineal. Ngunit Tobias, huwag mong kakalimutan ang pinaka-rason kung bakit tayo bumalik dito.”
“Tobias, lahat tayo ay nagnanais na makitang muli si Pineal ngunit huwag mo nawa sanang makaligtaan na isipin din ang sarili mo. Kahit man lang na katiting ng iyong oras ay mailaan mo sa pagharap sa bangungot na bumabagabag sa isipan mo,” patuloy nga ng matanda nang mapagtanto nga na mukhang tama ang kaniyang hinala na sa oras ngang makabalik sila sa Pilipinas ay una agad na aasikasuhin ni Tobias ang paghahanap kay Pineal. Nais din namang mahanap ng matanda ang kaniyang nawawalang alaga ngunit sa oras na ito ay mas umaapaw sa kaniya ang awa sa karamdamang dinadanas ni Tobias. Na hinihiling nga nito na kahit man lang isang araw ay mailaan ni Tobias ang oras na ito para balikan ang pinangyarihan ng trahedyang nangyari sa kaniyang mga magulang na siya ngang natatanging alam nilang puno’t dulo ng lahat.
Ngayon ngay natahimik si Tobias sa sinabi ng matanda dahilan upang mapaiwas siya ng tingin na muli niyang ibinaling sa katabi niyang bintana.
At doon ay muli’t muli siyang naging tulala habang pinagmamasdan ang paatras na pagdaan ng bawat tanawin na nadadaan ng kanilang Tranvia.
Ilang oras bago pa man pumanhik sila Tobias sa daungan ng barko patungo sa Pilipinas ay nagpasya itong puntahan si Manang Selma sa kaniyang kwarto.
“Oh, Tobias, naparito ka anak? May kailangan ka ba iho? Kailangan mo ba ng tulong sa pagiimpake?”
Umiling nga ang binata bilang sagot na ngayon ay naglakad papunta sa tabi ng matanda na kasalukuyang nakaupo sa kaniyang kama habang nagtutupi ng kaniyang mga damit.
“M—manang nais ko lamang sana kayong tanungin kung maski kayo ay naniniwala sa posibilidad na maaaring dinukot ang kapatid ko ng mga tauhan ni Doktor Willson?”
Agad ngang natigilan ngayon sa pagtitiklop ang matanda na siyang tinignan nga ngayon si Tobias.
“Tobias, kaya ka ba pumayag na bumalik sa Pilipinas ay dahil nagbabakasali kang mahanap doon si Pineal?” tanong ng matanda na siyang dahilan upang mapaiwas ng tingin ang binata at sabay na tumango bilang sagot.
“M—manang napagisip-isip ko na kung sakaling pupunta tayo sa Pilipinas ay malaki ang tyansang doon ko rin mahanap si Pineal sapagkat ang alam ko ay naroon ang isa sa headquarters ng Willsoon Research Institute,” paliwanag ni Tobias na siyang dahilan upang mapabuntong hininga ang matanda at hawakan ang dalawang kamay ni Tobias.
“Kung iyon ang siyang nagpapayag sa iyo ay ito ngay aking ikinagagalak dahil maski ako ay umaasa ring mahanap na si Pineal ngunit Tobias ayaw kong labis kang umasa na matatagpuan natin siya roon. At nais ko rin ipaalala sa iyo na ang rason kung bakit tayo paparoon ay upang magamot ka. Ayaw kong kalimutan mo ‘yon Tobias,” paalala ng matanda sa binata na siya rin naman ngang tinanguan ni Tobias.
________________________
Halos isa’t kalahating oras din ang naging byahe nila Tobias patungong Nueva Ecija at nang tumigil nga ang sasakyang Tranvia nila ay agad na nga ring namulat ang mga mata ni Jonas nang maramdaman nito ang pagtigil ng makina ng sasakyan.
“Nakakalugod ng damdamin na makitang muli ang bayan na ito,” saad ni Manang Selma nang makababa na sila sa Tranvia. Na pagkababang pagkababa pa lang nila ay nilanghap nga nito agad ang sariwang hangin ng bayan ng San Isidro.
"Magandang umaga mga ginoo at Tiyang Selma!"
Salubong ng isang binibini na siyang nakasuot ng kulay dilaw na bistida at namumuntawi nga rito bilugan niyang mga mata at ang kulot nitong buhok. Hindi agad ito nakilala nila Manang Selma nang dahil na rin sa tagal niyang pagkawala.
“Manang Selma, ako ito”—nakangiting saad ng dalaga sabay turo sa kaniyang sarili—“si Teresita.”
Ang dalaga ay si Teresita Domingo na pamangkin ni Manang Selma at na siya ring kababata ng mga magkakapatid na Kley.
"Teresita!" tawag ni Manang Selma na siyang unti-unti na ngang namukhaan ang dalaga. Agaran nga nitong niyakap si Teresita na bakas ang pangungulila sa kaniyang pamangkin na minsan na niyang itinuring na anak.
"Tiyang, buti at bumalik na kayo dito sa Nueva Ecija," saad ni Teresita pagkalaki-laki ngayon ng ngiti dahil sa pagkagalak sa muling pagbabalik ng kaniyang tiya. Agad din nga nitong tinulungan ang matanda sa pagdadala ng kaniyang mga hawak na bag.
"Ang laki-laki mo na at halos hindi na kita makilala Teresita," saad ni Manang Selma habang hawak hawak ang magkabilaang pisngi ng kaniyang pamangkin.
"Tiya nga pala, ito na pala sila Tobias at Jonas. Kung naaalala mo pa si—“
At hindi na tuluyang natapos ni Manang Selma ang paliwanag niya nang bigla ngang napayakap si Teresita kay Jonas na siyang gulat na gulat ngayon sa naging aksyon ng dalaga.
"Mabuti at ligtas kayong lahat," saad ni Teresita na kumawala na sa pagkakayakap kay Jonas. Ngunit nang mapansin nito ang pagkagulat ni Jonas ay napakunot ito ng noo at tinaasan ng kilay si Jonas.
"Ayo Jonas Kley, huwag mong sabihin na hindi mo na ako nakikilala?" tanong nito kay Jonas na dahilan para mawala ang gulat ni Jonas mula sa pangyayari kanina.
"Hindi naman sa ganoon. Hindi lang kita namukhaan kasi halos ilang taon na rin kaya mula noong huli kitang nakita," saad ni Omicron na napalunok pa dahil hindi niya inaasahan na ang kababata o kalaro niya lang dati ay tila isa na ngayong napakagandang dalaga. Kaedaran lang ni Teresita si Jonas na siyang dahilan kung bakit mas malapit sila sa isa’t isa.
"Kuya Tobias, kamusta na?" tanong nito kay Tobias sabay tapik sa braso nito.
"Ako ang siyang nagtatanong sa iyo niyan Tere dahil sobrang laki nga talaga ng iyong pinagbago," nakangiting sagot ngayon ni Tobias na siya ngang natutuwang makita si Teresita na siyang itinuturing na niyang nakababatang kapatid.
Ngunit sa kalagitnaan ng pag-uusap ay natigilan ngayon ang dalaga na siyang kumunot ang noo nang may mapansin ang kulang sa magkakapatid.
“T—teka lamang kuya Tobias, Jonas, nasaan naroon si kuya Pineal?” nagtatakang tanong ni Teresita na siyang dahilan upang kapwa nga matigilan ang magkapitid maski si Manang Selma na agaran ngang sumingit sa usapan.
"Tere, halos mag-iisang taon na mula nang mawala ang kuya Pineal mo,” saad ni Manang Selma na siyang dahilan upang mabitawan nga ni Teresita ang hawak nitong bag.
“P—po? Anong pong ibig niyo sabihin tiya? Anong nangyari sa inyo sa Indonesia?” sunod-sunod ngang katanungan ni Teresita na gulong-gulo nga ngayon sa kaniyang nalaman.
“Teresita, sa bahay na lamang namin sasabihin sa iyo ang lahat-lahat,” sagot ni Manang Selma na hawak na nga ngayon ang kanang kamay ng pamangkin.
________________________
"Pansamantala muna tayo dito. Abandunado na itong bahay na ito simula nang nagpasya akong sumama sa tatay at nanay niyo. Hindi nila ito basta bastang matutunton. At nasabi ko na rin kay Teresita na huwag sabihin sa sino man na nakauwi na tayo,” paliwanag ng matanda habang isa-isang sinusuri ang bawat gamit na natira sa bahay nitong matagal na niyang iniwan.
“Oo nasabi na sa akin ni Tiya lahat ngunit ako pa rin ay nababahala at naguguluhan kung bakit nawala ang kuya Pineal,” saad ni Teresita na siyang dahilan upang tumingin si Manang Selma kay Jonas at tinanguan nga ito.
“Teresita, si Jonas na ang bahalang magsabi sa iyo ng lahat-lahat,” saad nga ni Manang Selma na siyang dahilan upang mabaling ang tingin ni Teresita kay Jonas na niyaya na nga itong lumabas muna sa bahay.
At nang maiwan na nga si Tobias at Manang Selma sa loob ng bahay ay roon na nga nagpasya ang matanda na makausap si Tobias ng masinsinan na siya rin ngang isa niya sa dahilan para paalisin muna saglit sina Jonas at Teresita sa loob ng bahay.
“Tobias, malapit lang sa bayan na ito ang bahay kung saan namatay ang inyong papá at mamá. Kung handa ka nang puntahan ito ay narito lang ako anak upang samahan ka,” saad ni Manang Selma dahilan upang matigilan saglit si Tobias na kalaunan ay tinignan nga ng diretso ang matanda.
"Bukas na bukas din manang ay paparoon na ako," saad ni Tobias. “Ngunit hindi niyo na po kailangang mag-alala pa dahil nakapagpasya na ho ako manang na ako pong mag-isa paparoon upang harapin ang lahat-lahat.”
“S—sigurado ka ba iho sa gusto mong gawin?”
“Mas mabuti na lamang po manang na ako na lamang na mag-isa upang mas maging ligtas tayo at hindi mamataan ng mga tao,” sagot ni Tobias na dahilan upang unti-unting mapatango ang matanda at tapikin nga ang braso ni Tobias bilang pagsuporta sa nais nitong gawin.
“Kung gayon ay ipapanalangin ko na lamang sa Diyos ang kaligtasan mo. At hihilingin ko rin sa kaniya na ito na nga sana nang magiging susi upang mawala na ang karamdaman mo,” saad ng matanda na siyang tinanguan din naman ni Tobias.