Manila, 1950 “I have already communicated with the BioAtech Institute and luckily they have granted our request. Ipapadala na nila next week ang mga inorder kong antibiotics,” paliwanag ni Doktor Emmanuel sa kaniyang mga kasamang doktor. “May I know kung ilan ang inorder natin at kung gaano kalaking halaga ang ilalabas ng institution para rito?” tanong ni Tobias dito dahilan upang mapatango sila Doktor Uno at Ramon bilang tanda na nagtataka rin sila sa bagay na ito gayong si Doktor Emmanuel lang ngayon ang may alam ng mga detalye sa transaksyon na ito. “Tulad ng sabi ko ay wala kang karapatan Doktor Isaac na—“ “Nais naming malaman kung gaano kalaking halaga ang ilalabas ng institusyon para sa mga antibiotics,” putol ni Doktor Ramon kay Doktor