Chapter 5

1573 Words
Chapter 5 "Huwag mo namang ubusin ang baby cologne ko" Pagsaway sakanya ni Karen habang winiwisik niya ang baby cologne nito sa buong katawan niya. Nasa rest room sila ngayon ng kanilang campus. Kakatapos lang ng klase nila at hinila muna niya si Karen papuntang rest room. Gusto niya kasing maging presentable kapag humarap siya kay Kenzo ngayong gabi. Nag text na kasi ito sakanya na naghihintay ito sa gate four ng kanilang campus. Labis na excitement tuloy ang nararamdaman niya Nagsipilyo pa siya at nag lagay ng kaunting pulbos sa kanyang mukha para naman maging fresh siya kahit papaano. "Bilisan mo na. Baka magbago pa ang isip ng manliligaw mo" Sinuklay niya pa ng ilang ulit ang kanyang buhok bago siya nakuntento. "Kinakabahan ako.." "Ako rin kinakabahan baka kasi magbago ang isip ni Kenzo" Balewalang sabi ni Karen habang papalabas sila ng rest room "Napaka-nega mo friend." Napa-sign of the cross tuloy siya at napa-usal ng munting dasal Lord huwag mo po sana hayaang magbago ang isip ni Kenzo. "Paano Gerlie mauna nako sayo. Nasa kabila ang kotse ko." Huminga siya ng malalim bago niya niyakap si Karen. "Ipagdasal mo ako friend" "Ipagtitirik pa kita ng kandila, Don't worry" Pabiro niya itong hinampas sa braso nito. Nagyakapan pa muna sila bago ito tuluyang umikot na sa kabila. Samantalang palakas ng palakas ang t***k ng kanyang puso habang naglalakad siya papunta sa gate four kung saan naghihintay si Kenzo Hoffman sakanya Nang matanaw niya ang kotse nito. Natapilok pa siya dahil sa sobrang kabang nararamdaman niya. Tinted ang kotse nito kaya hindi niya sigurado kung nakatingin ba ito sakanya. Lumapit siya sa kotse nito at kinatok niya ang bintana ng kotse nito. She tried her best para mag-pacute ng kaunti. Inayos niya pa ang kanyang makapal na salamin Wala pang ilang segundo ng ibaba nito ang bintana ng kotse nito. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sakanya "H-Hi Kenzo" Masiglang bati niya "Hop it. It's open" Walang kagana gana nitong sagot sakanya. Nahihiya siya pero sinunod niya ang utos nito. Dahan dahan siyang pumasok sa kotse nito. Ang lamig ng aircon sa loob ng kotse nito kaya naman mas lalo tuloy siyang kinabahan "Where do you live?" Sinabi niya ang kanyang address. Tahimik lang ito habang bumabyahe sila kaya tuloy nahihiya siya. Pasimple lang siyang pasulyap sulyap dito. Kung siya lang ang masusunod , Gusto niyang titigan magdamag ang gwapong mukha nito. Ngunit sa ngayon kontento na siya sa pasulyap sulyap sa seryosong mukha nito. "K-Kumain kana ba Kenzo?" Naisip niyang kausapin ito kahit rinig na rinig niya ang malakas na t***k ng kanyang puso. Narinig niya kasing kumulo ang tiyan nito. Nakaramdam siya ng kaunting pag-aalala na baka hindi pa ito kumakain. Lumingon ito saglit sakanya "Why?" "Baka kasi hindi ka pa kumakain. May pagkain sa bahay namin--" "Do you know how to cook?" "Oo naman" Nakangiti niyang sagot. "Cook for me then" "Ngayong gabi?" "If it's okay to you" Napahikab na ito at halatang pagod na. Ang gwapo naman niya kapag nag hihikab. Bakit kaya bawat kilos niya lalo siyang gumagwapo? --tanong niya sa kanyang sariling isip "Oo ayos lang naman sakin. Kung gusto mo dumaan ka muna sa bahay namin para makakain ka" "Are you living alone?" Umiling siya "Kasama ko ang lola ko." "Your parents?" Tanong nito at muli nanaman itong humikab. Mukhang antok na antok na ito. "W-Wala na akong magulang." Tumingin ito sakanya "Oh I'm sorry" Ngumiti siya ng tipid "Ayos lang." Konting katahimikan ang namagitan sakanilang dalawa. "Ayoko ng left overs" mayamaya sabi nito Napangiti siya dahil medyo suplado ang pagkakasabi nito. Para tuloy itong isang spoiled na batang mayaman na pinalaki sa luho but in a cute way. "Why are you smilling?" Kunot nuong tanong nito habang nagmamaneho ito at palingon lingon sakanya "Natutuwa lang ako sayo hindi ka pala kumakain ng iniinit na pagkain. Huwag kang mag alala ipagluluto nalang kita ng bagong food." Tinignan lang siya nito at seryoso na itong nagmaneho "Is that your house?" Tanong nito ng makarating sila sa tapat ng bahay nila Ngumiti siyang muli "Oo nakakatakot ba?" "It's old but nice." simpleng papuri nito sa kanilang bahay. Parang bahay kasi ng mga kastila ang bahay nila. Ito nalang ata ang natitirang bahay na ganito sa lugar nila. At kakaunti na lang sa buong pilipinas. "Salamat. Halika ipagluluto na kita." Nauna na siyang bumaba ng kotse nito. Mabuti nalang wala ng tao sa labas ng kalsada dahil gabi na. Walang makakakita kay Kenzo. Baka kasi isipin ng mga kapitbahay niya may artista siyang kasama Sumunod ito sakanya pagkatapos nitong ilock ang kotse nito. Panay ang hikab nito at halatang inaantok na "Puyat ka ano?" Friendly niyang tanong kay Kenzo habang binubuksan niya ang kanilang antik at lumang gate "Medyo" Ngumiti lang siyang muli "You have a good set of teeth" Balewalang puri nito sa kanyang mga ngipin. Namula tuloy ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. Napapansin pala nito ang magaganda niyang mga ngipin. Sabi nga ng lola niya iyan daw ang asset niya kaya inalagaan niya talagang mabuti ang mga ngipin niya. "S-Salamat. Ikaw rin naman" Nag iwas siya ng tingin kay Kenzo dahil nakatingin ito sakanya "But you're weird" Muli siyang napatingin dito "Ha?" "N-Nothing" Parang nabigla lang itong sabihin iyon "Hindi ako weird." Napapangiting sagot niya kay Kenzo. Narinig naman niya ang sinabi nito. "You're not offended?" Sabay silang naglakad papasok sa kanilang bahay. May dalawang puno pa sila sa gilid bago makapasok sa bahay nila. "Bakit naman ako ma-ooffend? Totoo namang mukha akong weird pero hindi ako weird. Medyo baliw lang talaga ako" Muli siyang ngumiti dahil gusto niyang pagaanin ang pakiramdam nito. Nahalata niya kasing nailang ito ng kaunti. Baka iniisip nitong magagalit siya sa sinabi nito. "I see" "Nakakaloka lang talaga sa school natin. Kapag kakaiba ang trip mo sa buhay doon ka sa outer space. Pero mas okay na rin yun dahil mas masaya naman kami sa outer space" "Outer space?" Kunot nuong tanong nito sakanya Binubuksan naman niya ngayon ang front door ng antik na bahay nila. Marahil tulog na tulog na ang lola niya "Outer space ang tawag namin sa table namin sa study area, Sa table namin sa canteen, sa table namin sa library. Diba nasa dulo palagi kami? May mga kutong lupa kasing studyante ang nag sabi samin na doon lang kami pwedeng umupo" Kunot nuo parin ito "I didn't know about that" Nang makapasok sila sa kanilang bahay napansin niyang nagandahan ito sa bahay nila. "Ayos lang naman samin. Ayaw rin namin makihalubilo sa mga kutong lupang studyante. Masaya na kami ni Karen sa dulo" Tahimik lang ito habang sinusundan siya papunta sa kusina nila "Anong gusto mong ulam?" Pag-iiba niya ng topic nila Napatingin ito sa dinning table nila. Naroon ang niluto niyang adobo kagabi. Marami pa iyon at nakatakip lamang ng transparent na takip "That one" Tinuro nito ang adobo "Akala ko hindi ka kumakain ng left overs?" "That's a joke. Hindi lang ako marunong mag deliver ng joke" Napangiti siya sa sinabi nito. Muli itong napatingin sa kanyang magandang ngiti. "Ikaw talaga. Osige iinitin ko nalang ito. Umupo ka muna diyan." Patingin tingin ito sa paligid ng bahay nila Napansin nitong malinis ang bahay nila. Ininit na niya ang adobo at garlic rice bago niya iyon inihain sa harapan nito. "Ako lang kakain?" "Oo busog pa ako. Kumain nako kanina" "You cooked this?" Tanong nito pagkatapos nitong tikman ang luto niya. "M-Masarap ba?" Kinakabahang tanong niya "Hindi" Napangiwi tuloy siya "P-Pasensya kana ipagluluto nalang kita uli--" Napansin niyang napapangiti ito at muling kumain. Mukhang sarap na sarap ito dahil nagsandok pa itong muli ng kanin at halos ubusin na nito ang manok sa adobo. Pinipigilan niyang kiligin ng husto habang pinagmamasdan itong kumain. Para itong artista sa isang comercial habang kumakain ito. Bakit kaya pati pag nguya nito nakakagwapo din? Pati ang pag galaw ng panga nito nakakadagdag sa kagwapuhang taglay nito Higit sa lahat kinikilig siya dahil mukhang nasasarapan ito sa luto niya ngunit biniro lang siya nito kanina na hindi masarap. "Hindi pala masarap ha? Naubos mo nga oh?" Biro niya ng matapos itong kumain Napatitig siya sa gwapong mukha nito ng ngumiti ito ng isang napakagandang ngiti "Walang lasa" Nakangiting sabi nito pagkatapos nitong uminom ng tubig "Sakalin kaya kita diyan." Napapangiti rin tuloy siya dahil nakikipagbiruan ito sakanya "Anyway thanks." "You're welcome. Kung gusto mo palagi kang kumain dito samin" Iniligpit na niya ang kinainan nito. Samantalang nakatingin lang ito sa bawat kilos niya. "Pag iisipan ko. Hindi kasi masarap" Lumingon siya rito at napangiti ito ng kaunti mukhang natatawa ito sa reaksyon niya. "Ako kaya ang pinakamasarap mag luto dito sa barangay namin." "Thanks for the food. I'm going home" Tumayo na ito at halatang nabusog ito sa kinain nito. "You're welcome. Salamat rin sa pag hatid sakin" Hinatid niya ito hangang sa tapat ng gate nila. "Sinasagot mo na ba ako?" Maya maya tanong nito na nagpagising sa buong katawang lupa niya "N-Nililigawan mo ba ako?" Halos magkanda bulol niyang tanong "Yeah" "B-Bakit?" Nag iwas ito ng tingin sakanya "C-Crush mo ako?" Tanong niya Napangiti ito sa tanong niya "Konti" Medyo nakangiting sagot nito Napakagat labi tuloy siya sa sagot nito. "Sa susunod na kita sasagutin kapag marami ka ng feelings sakin" Napansin niyang na-ilang ito ng kaunti "It will never happen" Bulong nito sa sarili nito kaya hindi niya iyon narinig "Ha?" "N-Nothing" Ngumiti siya "Osige na Kenzo mag-iingat ka sa pag drive mo ha? Drive home safe! Huwag mo akong masyadong isipin sasagutin rin naman kita soon!" Pinipigilan nitong mapangiti kaya mas lalo tuloy siyang kinikilig "Thanks. Good night" Pumasok na ito sa kotse nito. Kumaway pa siya at nag flying kiss bago ito nagmaneho ng kotse nito Nang makalayo na ang kotse nito doon palang siya nagtatatalon at nagsasayaw sa tapat ng gate nila "Oh my God! Thank you Lord ang ganda ganda ko talaga!" Kumekembot kembot pa siya habang ang saya saya niya Hindi niya alam nakikita pa siya ni Kenzo sa side mirror nito. Napangiti nalang ito ng makita siyang sumasayaw sayaw "She's weird"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD