Chapter 12 "May pa-flowers ka pa hmm?" Hindi parin maiwasan ni Gerlie kiligin habang nasa loob sila ng kotse ni Kenzo. Hawak nito ang isang kamay niya habang nagmamaneho ito. It feels like she really belongs to him. Ngayon niya lang nararamdamang boyfriend niya na nga ang nag iisang Kenzo Hoffman. Ah it feels like heaven! Milyon milyong mga babae siguro ang nangangarap na maging nobya nito. At napakaswerte niya dahil siya ang napili nito sa dami ba naman ng mga babaeng mas maganda at higit sa kanya. Inaamoy niya ng paulit ulit ang isang dosenang red roses na ibinigay nito sakanya. "It's not enough. Umiyak ka kagabi dahil sakin" "Akala ko kasi hindi mo nako kakausapin." Seryoso lang itong nagmamaneho. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin dahil gabing gabi na. Inaya siya nito