Chapter 29 "Dito kana matulog Sally, Sige na oh? Malayo ang biyahe mo pabalik--" "Naku ate Maria ayos lang po. Sanay akong magmaneho sa gabi" Pilit siyang pinipigilan ni Maria hangang sa makarating sila sa tapat ng kanyang kotse. Hindi na siya nag paalam kay Kenzo dahil inaya ito ng fiancé nito sa isang kwarto. Hindi niya kinaya ang isiping may kasama itong iba sa iisang kwarto lamang. Well alam naman niyang marami na itong nakasamang ibang babae sa ibang bansa ngunit iba parin ang sakit kung sa mismong harap niya papasok sa iisang kwarto ang mga ito. Wala pang sampung minutong pumasok ang mga ito sa kwartong iyon ng mag paalam na siyang umuwi kay Maria "Delikado Sally. Mag aalala ako sayo sige ka? Bawal pa naman ako mastress dahil buntis ako" Ngumiti lang siya at niyakap si Maria