Chapter 37 "A-Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako nahanap?" "Sally listen to me. We need to talk" Isasara sana muli ni Sally ang pinto ng apartment na pansamantala niyang tinitirahan sa ngayon. Dalawang linggo palang simula ng iwanan niya si Kenzo. Hindi na niya ito kailangan kausapin dahil kitang kita mismo ng kanyang dalawang mata na kasama nito si Tanya na lumabas mula sa condo unit nito. Wala ng iba pang explenasyong kailangan para sa pagtataksil nito sakanya. "Please Sally--" "Ben umalis kana! Bakit ka ba narito? Anong kailangan mo sakin--" "Kenzo is sick." Natigilan siya sa binalita nito. "A-Ano namang paki-alam ko? Deserve niya yun dahil manloloko siya--" "Look Sally kung bibigyan mo lang ako ng oras para ipaliwanag sayo ang lahat. Please?" Kitang kita niya sa mukha ni