Chapter 15 Kinse minuto bago matapos ang trabaho ni Gerlie nag aayos na siya ng kanyang sarili dahil may klase pa siya sa gabi. Inumpisahan na rin niyang ilock lahat ng drawers and cabinets ng buong jewerly shop Napabuntong hininga siya ng tumunog ang door chime ng jewerly shop. Ibig sabihin may pahabol na customer pa siyang aasikasuhin. "Good afternoon po---" Pag lingon niya sa taong kakapasok palang sa pintuan ay napatigil siya sa kanyang pagsasalita. Hindi niya inaasahan na ito ang taong pumasok roon "Sally?" Nakangiti ngunit kunot nuong tanong nito sakanya. Mukhang kinikilala talaga siya nito. "Y-Yuki anong ginagawa mo rito?" Hindi niya mawari kung ngingiti ba siya o hindi "Oh. Sorry muntik na kitang hindi makilala. Iba kasi ang itsura mo that night sa proposal party ni Luke. An