Chapter 27 "H-Hello ate Maria?" "Who's this?" "A-Ate si Gerlie po ito" Matagal bago ito sumagot sa kabilang linya. Nakaramdam tuloy siya ng hiya. Paano ba naman, Mula ng mag resign siya sa jewerly shop ay hindi na niya ito muling tinawagan. Mabuti nalang at ito parin ang number nito. "Buhay ka pa pala bruha ka. Buti at naalala mo ako ngayon?" Napalunok siya. "P-Pasensya na po ate Maria. Sorry po ate umiwas lang noon, alam mo na medyo masakit po kasi" Sinadya niya kasing iwasan ito noon dahil ayaw na niya ng kahit anong koneksyon kay Kenzo. "Kahit na. Bruha ka hindi naman ako ang kasabwat ni Kenzo sa pustahan na yun ha. Pasalamat ka namimis na kita. Kamusta kana? Balita ko ikakasal na sa iba yung jowa mo?" Napangiti siya. Eto parin talaga si Maria. Ang mabait at madaldal niyang