"Welcome home, Kuya. Finally, alam kong for good ka na ngayon dito sa bansa." Masayang sinalubong ni Tan-Tan ang Kuya niya. "Yes, Tan-Tan and thank you for always welcoming me every time I come home. Pero hindi pa rin kita mapagbibigyan sa kahilingan mong ako ang sasama sa iyo sa stage. Bubay na buhay sina Nanay at Tatay kaya't nararapat lamang na sila ang magmartsa kasama ka," nakangiting tugon ng binata. Masaya siya na may patutunguhan ang buhay nito ngunit ayaw niyang ipagkait sa mga magulang nito ang kasiyahang may anak silang sasamahan sa stage. Ayaw niyang matulad ito sa kaniya na nagtapos na walang kasama. Tapos na ang graduation niya noong dumating ang Yaya niya. Ang kaawa-awa niyang Yaya. "Eh, kaysa naman sabihin mong susunod ako kina Nanay sa kabilang barangay, Kuya. Mas mabut