"Anong sabi ng Kuya mo, anak? Nasaan daw siya ngayon? Bakit daw hindi umuwi kagabi?" sunod-sunod na tanong ni Aling Tina sa anak ng nakitang ibinaba na ang cellphone. Tanda lamang na tapos na itong nakipag-usap sa amo nila. "Humihingi ng pasesniya 'Nay. Pagpasensiyahan na raw natin dahil hindi nakatawag kagabi. Sabi niya rin po na pag-uwi na lamang daw niya rito saka niya ipapaliwanag ang nangyari," tugon naman nito. "Ha? Nangyari? Ibig sabihin ay tama pala tayo sa iniisip natin simula kagabi? Kumusta na raw siya? Aba'y ikaw na bata, ayusin mo ang pananalita mo kung ayaw mong samain sa akin!" Napataas ang boses ng Ginang dulot ng pagkabigla sa ibinalita ng anak. "Inay, huwag ka ng magalit. Kilala mo naman si Kuya. Laking siyudad iyon, kung sinabi niyang dito siya magpapaliwanag ay gagaw