"Where is she? Where is my daughter? What happen to her?" sunod-sunod na tanong ni MaCon sa pamangkin ng asawa. Agad naman kasi silang nagtungong Mt Province nang itinawag nila na nandoon ang anak nila. Samantalang pinaghahanap ito ng asawa sa Australia kasama ang panganay nilang anak. Kung tutuusin ay nasa pangalawang araw na sana ang barko sa paglalayag ngunit dahil sa biglang pagkawala nito ay naantala. Iyon pala ay nagsariling umuwi kasama ang anak saka dumiretso sa pinsan nito sa liblib na probinsiya sa North Luzon. Gumamit sila ng private chopper para lamang makarating agad sa nais puntahan. "Nasa taas po, Mama. Sa guess room?" alanganing sagot ni Bitchichay dahil sa nakikitang pagkataranta ng tiyahin o ang asawa ng Papa Clarence niya o ang kambal ng Daddy niya. "Please take us th