"Galing ka ng Pilipinas. Dinala ka sa United Kingdom para lang maipaabot sa akin ngunit muli kitang iniuwi rito sa bansa na hindi man lang nabuksan. Ano kaya ang nilalaman mo?" bulong ni Tommy habang nakatitig sa hawak na paper bag na naglalaman sa box galing daw sa yumaong opisyal. May hinala siya na ang pagpapaalala nito sa habilin sa kaniya ang laman ng box ngunit pakiramdam niya ay may ibang dahilan. Dahil kung habilin lang nito sa kaniya ang nilalaman ng box ay maaring sealed envelope lamang. Saka ipinasigurado naman niya rito noon na kahit hindi nito ipaghabilin sa kaniya ang dalaga ay mahal na niya ito. Hindi pa naman niya mahulaan kung ano ang nasa loob nito. "Sh*t! Hayop!" gigil niyang mura dahil nasa tabi na nga siya ng upuan niya dahil ayaw niyang makipagsiksikan ay binangga p