"May napapansin ka ba sa anak natin, Honey?" tanong ni Clarence sa asawa. "Bukod sa nabawas-bawasan na ang pagkadragona niya ay wala na, Honey. Bakit ba?" balik-tanong nito. Sa sagot ng asawa niya ay napabuntunghininga siya. Masaya sila dahil mas nagmatured na ang anak nila simula noong nagtungong Australia ang manugang nila ngunit nababahala naman siya dahil naging tahimik na para bang may iniindang sakit. Hindi pa nga lang niya ito nakakausap. "Hey, ano ba ang pinakaisip-isip mo? Kako, ano ang napansin mo kay Cassandra? Galing silang mag-ina kanina rito bago sila umuwi ng rancho ah." Kunot-noong tinapik ni MaCon ang asawa. "Sorry, Honey. Napaisip lang ako sa anak natin. Three months na simula noong nagtungong Australia ang asawa niya. At araw-araw naman siyang nandito dahil dito niya