Present Time... "So, where is Engineer Saavedra now?" tanong ni Brian Niel. Alam niyang dumating na ang binata dahil sila ang sumalubong dito gamit ang bangkang de-motor. Sila rin ang nagdala sa mga gamit nito dahil pinanindigan ang pagiging maninisid. Naging diver ito mula hindi kalayuan ng barko. Inantabayan na lamang nila sa ground deck upang hindi makahalata raw ang dragona nito. "Hindi na dapat tinatanong iyan, Boss. Aminin man natin o hindi ay si Ma'am Cassandra ang pinakamalaking dahilan kung bakit siya bumalik dito. And naturally, magkasama silang dalawa," nakangiting wika ni Engineer Rodrigo. "Tama si Engineer Rodrigo, Boss. Parang nakita ko si Ma'am kanina sa engineer's deck. Surely nakatingala sa cabin ni Engineer Saavedra. Kaya't sang-ayun ako sa sinabi ni Kuya Rudy." Nakan