"Huh! Sino ba ang walang-hiyang magulang ang nag-iwan sa mga batang ito rito?" hindi makapaniwalang sambit ni Cassandra. Dragona siya aminado siya sa katutuhanang mainitin ang ulo niya. Maiksi ang pasensiya niya kaya nga tinawag siya ng asawa niya na dragona. Ngunit pagdating sa mga anak ay hindi maaaring ganoon na lamang. Aba'y nagpakasarap sila saka basta na lamang iwanan kung saan-saan ang bunga ng makamundong gawain. Kaya naman kahit gustong-gusto pa niyang mamasyal ay pansamantala siyang tumigil. Nilapitan niya ang dalawang batang halatang gutom na gutom. Marungis pa na maaaring ilang araw ng walang ligo. "Hi, anong ginagawa n'yo?" tanong niya. "Hinihintay namin ang aming ina. Sabi niya ay babalikan niya kami rito. Ngunit ilang araw na po siyang nagpaalam ngunit hanggang ngayon ay

