"You are planning to kidnap your wife?" tanong ni MaCon sa manugang nang ipinahayag nito ang balak. "Opo, Mommy. I really miss her." Kakamot-kamot sa ulo na pag-amin ni Tommy. Kaso ang biyanan niyang lalaki ay iba. Kaylawak ng ngiting nakapinta sa mukha nito. Hindi pa man sila sumasang-ayun sa plano niya ay alam niyang papayag ito. Sa hitsura pa lamang nito ay walang pag-aalinlangang pagpayag ang itutugon nito. "Honey, mukhang ikaw na naman ang may pakana nito ah. What's on that grinning?" paninita tuloy ni MaCon. "Masaya lang ako, Hon. Itong manugang natin dinaig pa ang manugang natin kay Mariz. Noong nagtanan ang dalawa hindi pa sila mag-asawa kaya masasabing kidnapping at pagtatanan. Kaso itong si Tommy ay anong masama kung dadalhin niya kung saan-saan ang asawa niya? My goodness!

