"Ano kaya ang laman ng envelope na ito?" bulong niya. Kung ilang beses na niyang binalak na buksan ang sealed envelope na maagang dinala ng postmaster sa apartment ng asawa niya. Ngunit sa tuwing binabalak niyang buksan ito ay kusang umaatras ang palad. "No, hindi ko iyan maaring buksan. Hindi iyan para sa akin," animo'y bubuyog na bulong nang bulong. Palakad-lakad sa tabi ng lamesa kung saan napatong ang envelope. Ngunit sa ilang minuto niyang pag-atras abante sa tabi nito ay mas nanaig ang kuryusidad. Yumuko siya at dinampot ang sealed envelope. Dahan-dahan niya itong binuksan sa takot na ring malaman ng asawa niya na pinakialaman niya ang gamit nito. Ngunit nais niyang pagsisihan ang pakikialam niya sa envelope dahil mga malalaswang videos ang nilalaman nito. May nude photos din kung