"Congratulations, Mrs Saavedra. You're on first trimester of your pregnancy. That baby boy is actively kicking," masayang pahayag ng OB niya. Masaya siya sa balita ng OB niya kaya't napangiti siya. Nakikinita na naman niya ang hitsura ng asawa kung nasa tabi niya ito. Malamang magtatalon na naman ito. Kaso sa pananahimik niya ay inakala ng OB niya na hindi siya masaya. "Are you not happy, Mrs Saavedra? Well, it's a blessing from up above." She patted her palm on her shoulder. "Sorry, Doc, kung hindi ako agad nakasagot. Kilala mo na kami ng asawa ko and I know that you have thought of how might he'll react. At isa pa po, my first born child is just turning five months and you know what I mean, Doc," namumula niyang sagot. "Wala kang dapat ikahiya, Mrs Saavedra. May asawa kang tao kaya't