"Kumusta kaya ang mga anak natin doon, Honey?" tanong ni MaCon sa asawa. Isang hapon habang papauwi sila. "Sa ngayon ay wala pa akong maisasagot diyan, Hon. Nasa bahay ang connection natin sa kanila. Pero ayun naman kay Brian Neil kahapon ay dito sa bansa ang next destination nila. Ibig sabihin after two months ay nandito na sila at siyempre kahit hindi tayo magpustahan ay sigurado ang pasalubong nila," nakatawang pahayag ni Clarence. Totoo naman kasing mayroon na namang babies. Kaya nga Pilipinas ang routa ng barko dahil ang lady ship captain ay may dinadala na naman. Wala namang problema sa bagay na iyon dahil kayang-kaya nilang buhayin. "Para ka na ring ang mga kaibigan ng panganay natin, Honey. Nagpustahan sila noong bago lumabas ang kambal na nasa atin. Baka ganoon din ngayon. By t