"Nalaman ko pala ang nangyari sa iyo," mahina niyang wika at para bang nahihirapan siyang tanungin ako. "Nasabi ni Tita sa akin. Sorry dahil sa akin ay pinarusahan ka ng Lolo mo," patuloy niyang ani. His voice was so sad. Napapikit na lang ako dahil nararamdaman ko ang sakit sa boses niya. Nasasaktan siya para sa akin. Pero wala siyang ideya kung gaano rin kasakit para sa akin na makita siyang nasasaktan. Sa totoo lang ay para akong sinaksak sa tuwing pinagmamasdan siya. I've never thought that I could meet someone… who would understand my pain. "Matagal na iyon. Huwag mo nang isipin," nakangiti kong sabi sa kaniya at ayaw kong sisihin niya ang sarili niya dahil sa nangyaysa akin. Ayaw kong nakikitang nalulungkot siya. Ewan ko ba pero kumikirot anag puso ko kapag nakikita kong