Ang bilis ng mga pangyayari at para akong hindi makapaniwala. Naging maganda ang relasyon namin ni Ethan at walang problema ang mga magulang ko sa kaniya. Tatlong buwan na ang nakalilipas mula ng mag-propose sa akin si Ethan. Hindi ko maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman ko ngayon. Mamayang gabi ay inimbitahan niya ako para makilala ang parents niya. Kinakabahan ako dahil nag-request ang mama niya na ako lang muna ang gusto nitong kausapin. Parang may kakaiba dahil hindi ko alam kung bakit at ano ang dahilan niya kung bakit kailangan niya akong kausapin ng mag-isa? Sa sinabi ni Ethan pakiramdam ko ay mukhang kikilitasin pa ako ng mga magulang niya. Sa tingin ko ang pag-uusap mamaya ay isang nakakatensyon. Hindi ko alam kung bakit pero may hinala ako na hindi ko magugustu