Napuno ng pagsisisi ang mukha ni Ethan. At base sa napapansin ko sa kaniya ngayon ay nakaramdam ito ng dismaya sa kaniyang mga magulang. Para bang nawalan siya ng respito sa mga ito. "Dad! Mom! Tumigil na kayo! Mahal ko si Samantha," may diin niyang sabi at nagpakawala ng matunog na hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Sana ay respetuhin ninyo ang desisyon ko. Pwede na po kayong umuwi," dagdag niya na para bang julang na lang ay ipagtabuyan niya ang mga ito. Nilapitan ako ni Ethan at hinaplos ang akong buhok. Nang mapansin ni Ethan na hindi pa rin sila umaalis at halatang labag sa kalooban nila ang pasya ni Ethan ay nagsalita itong muli. "Kung hindi niyo kayang sang-ayunan ang pasya ko pwede niyo akong itakwil bilang anak," pinal niyang sabi. Marahil ay ayaw na niyang mas ma