Masaya akong pinagmamasdan habang kasayaw ni Sam ang Daddy niya. Pero biglang lumapit si Shannon at hiningi ang kamay ni Sam para maisayaw ito. Wala namang dapat na ikagalit dahil wala naman silang gunagawanv masama. Nag-uusap lang sila habang sumasayaw. Ang mas kinainisan ko lang ay si Shannon dahil parang nang-aasar talaga. Habang nagsasalita ito ay grabe kong makatitig sa mga mata ni Sam. Puno ng emosyon, pagmamahal at panghihinayang. Kulang na lang ay magmakawa siya sa harap ni Sam na siya ang piliin. Para akong bata mag-isip at inaamin ko iyon sa aking sarili. Pero hindi ko mapigilan ang sariling pumutok sa inis. Dinaan ko na lang sa tawa ang lahat matapos kong marinig ang sinabi niya sa akin. Parang gusto ko tuloy itong batukan at murahin dahil sinabihan ba nama