Finally. Ang babaeng pinakamamahal ko ay pakakasalan ko na ngayon sa araw na ito. Hindi ko masabi at masukat kung gaano ako ka kasaya ngayong araw na ito dahil sa wakas ay dumating na ang pagiging isa naming dalawa ni Sam. Sinumulan na kaagad ang seremonyas at labis ang tuwa ng puso ko dahil tinanggap niya ako ng buong puso. Nawala na ang kaninang takot at kaba at napalitan na ito ng kasiyahan. Matapos naming ikasal ay maraming mga pakulo ang mga organiser na kinuha ni Mommy. Hindi ko na nga iyon iniisip pa dahil sa dami ng pinagawa sa amin, at may mga pa-games pa itong naisip. Hindi ko na pang binigyan ng pansin ang lahat ng iyon dahil nasa iisang babae lang ang atensyon ko. Na panay lang ang ngiti at tawa sa mga nangyayari sa paligid namin. Tulad ko ay 'di rin makapaniwala