Nakipagtalo ako sa asawa ko at ako pa rin ang nasunod. Inalalayan niya akong humakbang pababa sa hagdan at kinuhaan ng tubig. Nagreklamo pa ako dahil naghanap pa ako ng mas malamig pa sa iniinom ko. "Love, masyado na itong malamig. Nangingilo na nga ang ngipin ko sa lamig nito." "Ang init kasi ng pakiramdam ko at saka hindi ako makatulog." "Manood na lang tayo ng TV sa sala baka antukin ka roon." Matapos ang dalawang oras, mas lalo pa itong sumasakit. Napapaigtad ako sa tuwing sumasakit ito. Tumitigas na rin ang tiyan ko at sumasabay pa ang pagsipa ng anak ko sa loob ng tiyan ko na mas lalong nagpahingal sa hininga ko. Hanggang sa hindi ko na matiis kaya nagreklamo na ako sa asawa ko. Mabilis niyang ginising ang lahat ng tao sa bahay. Binuhat niya ako papasok sa kotse a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books