Tatlong araw na ang nakalipas mula noong nangyari ang gabing komprontahan nina Samantha at Mommy. Hindi ako halos makakilos sa lahat ng narinig ko. Pakiramdam ko ay gumuho lahat ng pag-asa ko. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin at gagawin ngayon pagkatapos ng mga nalaman ko? Bigla akong natulala sa lahat ng narinig. Kahit si Sam ay hindi ko na nagawa pang kausapin. Mahal ko si Sam pero hindi ko alam kung paano ko siya ipagtatanggol kay Mommy noong gabing iyon. Hindi ako makapaniwala na kaya ko siyang talikuran kung kailan kailangan na kailangan niya ng aking tulong. Dahil nasaktan at naguguluhan din ako at pati na rin sa naghalo-halong emosyon. Nang makapag-isip na ako nang tama, balak kong kausapin si Daddy kung ano ang dahilan ng pag-kidnap ng lolo ni Sam sa akin. Nan