Ang akala ko ay doon lang magtatapos ang lahat. Pero nagkamali ako ng inakala dahil nasundan ulit ito ng ilan pang mga ulit. Hanggang sa nakatulog sa paulit-ulit na pagtatalik. Pakiramdam ko tuloy ay nakakapagod pa gaya ng napagdaanan kong training sa buhay ko. Ang kaibahan nga lang ay masarap ito at hindi ko magawang magreklamo. Gugustuhin ko ito nang paulit-ulit ng walang pagrereklamo. Madaling araw na pero heto pa rin ako sa kama. Walang ganang tumayo dahil nakayakap sa akin ang asawa. Dapat ngayon ay tinutulungan ko na si Mama na maghanda ng agahan lalo na at maymga trabaho ngayon si Papa at ang lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko magawang disturbuhin ito habang hinahaplos ang puson ko. Hindi man siya nagsasalita ngayon pero alam kong hindi na siya makapaghinatay. Gay