Chapter 05

1318 Words
"GALINGAN mo, Eve," mahigpit pang bilin ni Avah kay Solenn matapos siyang dalhin sa backstage kung saan sila lang din ang magkakarinigan sa anumang pag-uusapan nila. "Madam, seryoso po talaga 'yong bid noong VIP kanina?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Solenn kay Avah. "Ano ba ang tingin mo sa lugar na 'to? Joke lang?" Umiling si Solenn. "Seryoso 'yon, Eve. Kaya kung anong gusto ng VIP, sundin mo. Napuntahan na rin ni Claire 'yong nag-bid sa iyo kanina. Bukas na bukas din ay makukuha mo ang cash na b-in-id para sa iyo. Katulad ng usapan, one-fourth ang papupunta sa akin at sa iyo ang three-fourth. Matapos ang gabing ito, magiging malaya ka rin sa lugar na ito at mananatiling pribado ang anumang inpormasyon tungkol sa iyo. Siguro naman, malaking tulong na ang kinita mo ngayong gabi para sa buhay ng lolo mo?" Pinigilan ni Solenn ang maiyak dahil sobrang overwhelm ang kaniyang pakiramdam. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa gabing iyon ay naging instant millionaire siya. At ang maganda pa, tumupad talaga sa usapan si Avah. "Babalik ka rito bukas para makuha mo ang parte mo. Maliwanag ba? Anytime bukas." Muling tumango si Solenn sa sinabing iyon ni Avah. "Magpalit ka na sa dressing room. Mayroong damit na inihanda para isuot mo. Kapag okay na ang lahat sa iyo, sasamahan ka ni Claire papunta sa fourth floor. Naroon ang mga VIP Room para sa VIP Member na nag-bi-bid ng mga babaeng gustong maikama. Malinaw na naman sa iyo kung ano ang mangyayari. Ihanda mo na lang ang sarili mo." Tumango si Solenn. Alam niya at tanggap na niya kung ano man ang sasapitin niya para sa gabing iyon. Hindi lang talaga mag-sink-in sa kaniyang isipan na mayroong tao na handang gumastos ng milyon-milyon para lamang sa isang gabi. Siguro nga, bored sa pera ang lalaking 'yon, sa isip-isip na lamang ni Solenn. Matapos nilang mag-usap ni Avah ay ginawa na niya ang inutos nito sa kaniya. Sa dressing room ay isinuot niya ang isang lingerie na kulay pula. At nang handa na siya para sa totoo niyang laban sa gabing iyon ay inihatid na siya ni Claire sa fourth-floor ng gusali ng The Cloud. Sa pinakadulong pasilyo siya nito inihatid. "Iwasan mong may ireklamo sa iyo ang VIP Member na nag-bid sa iyo, Eve," bilin pa ni Claire. "Kung ayaw mong magkaroon ka ng problema sa perang iuuwi mo bukas." "Pangako, gagawin ko ang lahat ng gusto ng VIP Member." "Good. Sa kaniya ka buong magdamag." Hindi pa niya hawak ang kinita niyang pera sa biding kaya kailangan niyang ibigay ang best niya. Isa pa, hindi na rin naman siya magtatagal sa mundo. At kung sakali man na mayroong mamagitan sa kanila ng kaniyang bidder, ang pinakapakunsuwelo na lamang niya ay mayroon iyong hitsura. Maranasan man lang niyang maangkin ng guwapong lalaki na papasa sa kaniyang taste. Kinilabutan pa siya nang maalala ang matandang bidder kanina. Mabuti na lamang talaga at hindi siya roon napunta. Nang buksan ni Claire ang pinto ng silid ay kaagad sumalubong kay Solenn ang mas malamig na temperature ng hangin sa naturang VIP Room. Nangingibabaw ang kulay pula sa silid na iyon. Napakainit ng kulay para sa malamig na silid na iyon. "Maiiwan na muna kita rito, Eve. Hintayin mo na lang dito ang bidder mo. Maliwanag ba?" Tumango si Solenn. Nang isara ni Claire ang pinto na kaniyang pinasukan na silid ay huminga pa nang malalim si Solenn. Wala na talagang atrasan pa. Naupo siya sa may bandang paanan ng malambot na kama. Pinagkrus pa niya ang kaniyang mahahabang binti. Maganda ang naturang silid. Hindi pahuhuli sa mga kuwarto ng five-star hotel. Hindi nga nagtagal at bumukas ang pinto ng VIP Room. Kaagad na napatingin si Solenn sa lalaking napahawak pa sa may hamba ng pinto. Kung bakit para bang nakakainom iyon kaya mukhang groggy. Nang makapasok pa iyon ay kaagad na isinara ng kasama niyong lalaki ang pinto. "Ryan!" tawag pa niyon na napahawak pa sa noo. Kaagad na tumayo si Solenn upang lapitan ang lalaki. "Sir," wika pa niya. Akmang hahawakan ni Solenn ang lalaki nang hindi niya maituloy. Nagbaling kasi iyon ng tingin sa kaniya. Bahagya pang naningkit ang mga mata niyon na para bang sinisikap na aninagin siya. "O-okay lang po ba kayo?" may pag-aalangan pa niyang tanong. "You," sambit pa niyon. "Oh, s**t," napapikit pa niyong sambit na para bang may kung anong iniinda. Para iyong nasasakal na niluwagan sa pagkakatali ang suot na necktie sa leeg. Bakit parang hindi iyon okay ng mga sandaling iyon? "Ang init," reklamo pa nito. "f**k you, Ryan," muli ay mahina niyong wika. Hindi alam ni Solenn kung ano ba ang uunahin niya ng mga sandaling iyon? Ang tumitig sa napakaguwapo niyong mukha sa malapitan o ang alalayan iyon? Baka kasi bigla nitong tabigin ang kaniyang mga kamay. Pero hindi naman siya puwedeng tumunganga lang doon. Baka hindi niya makuha ang pera niya kung irereklamo siya ng kaniyang bidder. Kaya naman huminga nang malalim si Solenn at inalalayan na ang lalaki papunta sa may kama. Alam naman niya na doon din ang punta nila. Bago pa sila makalapit sa may kama ay huminto pa ang lalaki sa paghakbang at binalingan siya ng namumungay niyong mga mata. Lasing na ba ito? Parang ang bilis naman. "Lady," sambit pa nito. "My assistant, f**k him. He drugs me," bigay inporma pa nito sa kaniya. "I feel extremely hot right now and I can't control myself." Lihim na napalunok si Solenn. "A-ano'ng gusto po ninyong gawin ko?" tanong niya dahil ang lahat ng gusto nito ay siyang mangyayari sa gabing iyon. Wala siyang hindi susundin para makuha ang pera niya bukas. Sandaling pumikit ang lalaki. Kaagad itong hinawakan ni Solenn sa magkabila niyong braso upang tulungang makatayo nang maayos dahil bumuway ang pagkakatayo niyon. "Gusto ho ba ninyong—" "I need you," sa halip ay agad niyong wika na nagpatikom sa mga labi ni Solenn. Hindi naman siya slow para hindi maintindihan ang gusto ng kaniyang bidder. "O-okay, Sir," sang-ayon naman ni Solenn para ipakita ritong wala siyang hihindian pagdating dito. Nang magmulat muli ng mga mata ang lalaki ay derekta pa siya niyong pinagmasdan sa kaniyang mga mata. At ang tingin nitong iyon, nagdulot ng kakaibang kilabot sa bawat himaymay ng kaniyang buong pagkatao. Ang init ng klase ng mga titig na pinamamalas nito sa kaniya. Pinigilan ni Solenn ang pagkawala ng singhap sa kaniyang mga labi nang bumaba sa kaniyang baywang ang mga kamay ng lalaki na kaagad humapit doon palapit sa katawan nito. At nang bumaba rin ang mukha niyon palapit sa kaniya, hindi rin siya umiwas. Hanggang sa maglapat ang mga labi nila. Ipinikit ni Solenn ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya ang malambot na labi ng lalaking unang umangkin sa kaniyang mga labi. Ang kaniyang unang halik. Kailangan niyang tumbasan ang ano mang gusto nitong gawin sa kaniya para walang makarating na reklamo kay Avah. Isang gabi lang naman iyon at wala ng kasunod pa. Gabing magiging isang alaala na lamang para kay Solenn. Umangat pa ang mga kamay ni Solenn at ipinulupot ang kaniyang mga kamay sa batok ng lalaki. Hindi siya expert sa halikan dahil wala siyang karanasan doon. Ginaya na lamang niya ang paraan ng paghalik sa kaniya ng lalaki na tila ba lalong nagpainit sa malamig na temperature sa loob ng VIP Room. Ramdam niya ang pangangailangan nito na para bang uhaw na uhaw. Siguro nga ay epekto iyon ng drugs, dahil anito kanina ay dr-in-ugs daw ito. Que na-drugs man ito o hindi ay wala siyang ibang dapat gawin kung 'di ang maibigay ang kaniyang sarili rito sa gabing iyon. Nahigit ni Solenn ang kaniyang paghinga nang maramdaman ang paghubad ng lalaki sa suot niyang lingerie. Mas mariin siyang pumikit nang maramdaman ang pagdulas ng lingerie pababa sa kaniyang katawan. Wala ng atrasan, Solenn, wika pa niya sa kaniyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD