Ngayon  naiintindihan ko na kung bakit siya gano'n at kung bakit mainit palagi  ang ulo niya sa amin. Sabagay, kasalanan naman talaga namin. Masyado  kaming magulo, pasaway at madalas walang disiplina. Idagdag mo pa 'yong mga ginagawa  niya.Kung pagsasamahin ang mga 'yon, nakakabaliw nga talaga isipin. 
Gusto ko nang bawiin lahat ng sinabi ko sa kaniya. Lahat ng masasakit na salitang sinabi ko sa isip kahit niya alam. Ilang beses ko pa naman siyang minura at pinatay sa panaginip ko. Sobra na akong nahihiya sa ginawa ko. Naistorbo ko pa siya.
Gusto  ko na sanang humingi ng sorry sa kaniya, kaso dumating naman 'yong  problema ko. Namatay si Papa dahil sa sakit niya. Isang linggo akong  hindi nagparamdam sa kaniya. Hindi ako nag-chat at hindi rin ako pumasok. May mga teachers at classmates na nag-message sa akin para ipaalala 'yong nalalapit na exam. Hindi ko naman sila masagot dahil kailangan kong asikasuhin ang burol  ni Papa. Dumating rin kasi ang iba naming kamag-anak kaya kailangan ko muna silang pagsilbihan. 
Ilang araw din na wala ako sa sarili dahil masakit ang pagkawala ni Papa. Hindi ko akalain na dalawa na lang kaming maiiwan ni Mama. Isa pa, ayokong dumagdag pa siya sa konsensiya ko.
-Nemo